Krisis sa petrolyo lumalala, mga kolokoy, sa impeachment nakatutok
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | March 23,, 2026

Nagpa-panic na ang lahat dahil sa hindi maawat na paglobo ng presyo ng petrolyo.
Ereng mga Pinoy, impeach-impeach pa rin.
Du’n kasi ang “bread-and-butter” ng mga kolokoy.
----$$$--
SA gitna ng krisis, hindi rin matabunan ang isyu sa flood control projects at mga kabulastugan ng mga inhinyero at opisyales ng gobyerno.
Kung darami ang magnanakaw sa kalye bunga ng krisis— mananatiling dinarambong ang salapi ng bayan.
----$$$--
TEKA, sino kaya ereng itsinitsismis na matataas na opisyal ng DPWH sa Bulacan ang nasa gitna ng kontrobersiya.
Inaakusahan kasi ng pangongontrol at manipulasyon sa mga proyektong imprastruktura sa isang Distrito.
----$$$--
Kinilala ang opisyal sa tawag na si Mang Kulas, pero binabansagan din siyang “Rigor Nadulas” dahil sa askad ng diskarte.
Tipong Rigor Dimagiba ng Batang Quiapo.
----$$$--
NAGSISILBING taga-silip ng mga ibinababang proyekto sa mga bayan ng San Jose Del Monte, Santa Maria, Norzagaray, at iba pang karatig na lugar.
Huh? Imbes na magbantay si Rigor Nadulas, lumalabas na siya na mismo ang nasa likod ng pangongontrata.
Ayon sa mga kuwago, diskarteng "dummy" ang mga construction firm para kontrolado niya ang pagkuha ng mga proyekto mula mismo sa opisina.
Totoo kaya iyan, Tanggol?
----$$$---
MAHIRAP paniwalaan dahil lumalabas na siya ang nagmamay-ari ng mga kumpanyang lumalahok at nananalo sa mga bidding.
Delikado ‘yan!
-----$$$--
KUMBAGA, monopoly ng kolokoy ang mga proyekto.
Pumapalag ang maraming lehitimong construction firm ang nawawalan na ng pag-asa na sumali sa mga bidding.
‘Yan na mismo?
-----$$$--
Ayon sa ilang sektor, minamanipula umano ng opisyal ang proseso, kaya’t hindi na nakikipagkompitensya ang ibang maliliit at katamtamang kontratista.
Totoo kaya na siya ay umaakto ring “Maleta Man” o taga-areglo?
----$$$--
Ang modus na ito ay labag sa itinakda ng batas laban sa graft and corruption.
Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang naturang opisyal.
Hintayin natin ang kanyang panig.
-----$$$---
SANA naman ay maibigay niya nang malinaw ang kanyang panig para hindi siya pagpiyestahan ng mga kapwa Bulakenyos na napapagitna sa matinding kahihiyan.
Aray ko po!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments