Korupsiyon sa lahat ng antas, lalantad kapag naghigpit ang audit
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | May 6, 2026

Bumubuwelo na ang mga kongresista sa paghatol sa impeachment complaint kontra kay VP Sara.
Wala daw pulitika!
-----$$$--
Dapat maunawaan ng mga kongresista na ang impeachment process ay isang klase ng political exercise.
Nauunawaan ba nila ang ibig sabihin ng pulitika?
-----$$$--
Hindi maloloko ng mga kongresista na ang impeachment complaint laban kay VP Sara ay hindi isang klase ng pulitika.
Kahit ikonsulta pa nila ‘yan sa “buwan.”
-----$$$--
Walang masama kung ituring na isang political exercise ang impeachment process—‘yan kasi ang naturalesa ng proseso.
Alam naman ng lahat na ang mga kongresista at maging ang mga senador ay magdedesisyon—hindi batay sa “merito,” bagkus ay batay sa “pulitika.”
-----$$$--
Inabsuwelto ng korte ang “namatay sa depresyon” na si ex-CJ Renato Corona na hinatulan ng Impeachment Court batay sa SALN.
Natanggal sa puwesto at namatay si Corona—hindi dahil sa “merito”—bagkus ay dahil sa maruming pulitika.
Nakakasulasok ang mapait na katotohanan!
-----$$$--
Kapag pulitika, kakambal niyan ay pondo, salapi at poder.
Iyan ay isang katotohanan na paulit-ulit nating nararanasan at nasasaksihan.
----$$$--
Kung nais ni Naga City Mayor Leni Robredo na “tahimik” at “masayang pagtanda,” huwag siyang magpaloko sa mga pulitiko.
Tutuksuhin siya ng “unlimited campaign fund”—na ang pagmumulan ay “kulimbat” mula sa kaban ng bayan.
Nakakasuka, hindi ba?
-----$$$--
Kahit ano’ng paliwanag ni Robredo—sakaling makumbinse siya—hindi siya paniniwalaan ng taumbayan na ang “campaign fund” na ipapangako sa kanya ay hindi nagmula sa pandarambong.
Hindi maglalaho ang “alegasyong” ito—kahit manalo o matalo siya—at ang masakit, madadamay sa intriga ang mga inosente niyang anak na namumuhay ngayon nang masaya at matagumpay.
-----$$$--
Halos kalahating siglo na tayo sa pamamahayag at sa gobyerno—at iyan mismo ang ating paniniwala.
Mistulang burak ang pulitika sa Pilipinas dahil nakabaon ito sa karagatan ng korupsiyon at ilegalidad.
-----$$$--
Kapag naghigpit ang COA, Ombudsman at Civil Service Commission, matutuklasan ang bilyun-bilyong pisong ninanakaw sa kaban ng bayan.
Sabit dito ang lahat ng antas sa national, LGU, barangay at maging ang SK.
Kapag na-audit ang “cash-out, cash-in” ng transaksyon sa national at LGU at hanapan ng lehitimong resibo at dokumentasyon, matutukoy ang gabundok na korupsiyon sa lahat ng antas ng burukrasya.
Tama o mali?
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments