top of page

Konsepto ng prenatal leave

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | February 21, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta, 


Kasalukuyan akong walong buwang buntis. Ayon sa doktor namin ay nagiging maselan ang pagbubuntis ko. Dahil dito, pinayuhan niya ako na manatili na lang sa bahay dalawang linggo bago ako manganak. Hindi na puwede sa akin ang matagtag sa trabaho. Gusto ko lang sanang malaman kung puwede ko bang gamitin ang ilang araw ng aking “maternity leave” kahit na hindi pa ako nanganganak? — Kat



Dear Kat,


Upang lalong maingatan ang kalusugan ng nanay at ng sanggol, minarapat na ipasa ang Republic Act (R.A.) No. 11210 o ang “105-Day Expanded Maternity Leave Law.”


Ayon sa Section 3 ng nasabing batas, ang lahat ng mga babae na nagtatrabaho sa gobyerno man o sa pribadong sektor, ay maaaring makuha ang benepisyo na ibinibigay ng batas kaugnay sa kanilang pagbubuntis. Nakasaad sa batas na ang isang nanay na nagdadalang tao ay maaaring makaliban o makapag-leave sa trabaho sa loob ng 105 araw, kung maipanganak ang kanyang anak. Kung sa hindi inaasahang pangyayari, ay makunan ang isang nanay, siya naman ay binibigyan ng karapatan ng batas na lumiban sa trabaho sa loob ng 60 araw. Sa mga nasabing panahon, ang nanay ay makatatanggap ng kanyang kabuuang sahod. Narito ang eksaktong pahayag ng batas: 


“Section 3. Grant of Maternity Leave.— All covered female workers in government and the private sector, including those in the informal economy, regardless of civil status or the legitimacy of her child, shall be granted one hundred five (105) days maternity leave with full pay and an option to extend for an additional thirty (30) days without pay: Provided, That in case the worker qualifies as a solo parent under Republic Act No. 8972, or the "Solo Parents’ Welfare Act", the worker shall be granted an additional fifteen (15) days maternity leave with full pay.


Enjoyment of maternity leave cannot be deferred but should be availed of either before or after the actual period of delivery in a continuous and uninterrupted manner, not exceeding one hundred five (105) days, as the case may be.


Maternity leave shall be granted to female workers in every instance of pregnancy, miscarriage or emergency termination of pregnancy, regardless of frequency: Provided, That for cases of miscarriage or emergency termination of pregnancy, sixty (60) days maternity leave with full pay shall be granted.”


Upang masagot naman ang iyong katanungan, ayon sa Section 2, Rule IV, ng Implementing Rules and Regulations ng R.A. No. 11210, maaaring gamitin ng nanay ang ilang araw ng kanyang maternity leave bago siya manganak o ang tinatawag na prenatal leave. Ang kondisyon lamang ng batas ay kailangang may matitira na hindi bababa sa 60 araw sa nasabing maternity leave: 


“Section 2. Manner of Enjoyment of the Benefit. — Enjoyment of maternity leave cannot be deferred but should be availed of either before or after the actual period of delivery in a continuous and uninterrupted manner, and such that: 


  1. In cases of live childbirth, one hundred five (105) days maternity leave with full pay shall be granted; or

  2. In cases of miscarriage or emergency termination of pregnancy, sixty (60) days maternity leave shall be granted.


 In all of the above instances, the maternity leave can be credited as combinations of prenatal and postnatal leave as long as it does not exceed one hundred five (105) days or sixty (60) days, as the case may be. In no case shall postnatal care be less than sixty (60) days.”


Kaya naman, sa iyong sitwasyon, maaari kang gumamit ng tinatawag na prenatal leave o pagliban sa trabaho bago pa manganak. Kinakailangan lamang na kung ito ay iyong gagamitin, may matitira na 60 araw na iyong magagamit pagkatapos mong manganak. 


Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page