top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Knows kaya ni direk 'yan? SEXY STAR, INIWAN NG BF NA ANAK NG RICH BUSINESSMAN, NA-BAD TRIP,

BULGAR
Apr 22, 2021
1 min read

6 MONTHS NA IPINAGBUBUNTIS, IPINALAGLAG


ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 22, 2021




BLIND ITEM:


Nalungkot naman kami sa kuwentong nakarating sa amin tungkol sa 'kagagahan' ng isang sexy star, na dahil siguro sa kanyang pagiging immature nu'ng kanyang kabataan, eh, kinaya ng kunsensiya niyang ipalaglag ang anim na buwan nang sanggol sa kanyang tiyan dahil sobrang na-bad trip at nasaktan sa pang-iiwan sa kanya ng tatay ng ipinagbubuntis.


Wala pa sa showbiz noon ang sexy star nang maging BF niya ang anak ng isang rich businessman. Nabuntis nga siya, pero nu'ng 6 months na ang kanyang dinadala, nag-away sila ng BF at iniwan siya nito.


Sa sobrang galit at para makaganti sa ex-BF, ipina-abort diumano ng sexy star ang baby. Katwiran siguro nito, bakit pa niya itutuloy ang pagbubuntis gayung wala namang kikilalaning ama ang bata.


Ngayong matured na ang sexy star, ewan lang namin kung may guilt feeling at pagsisisi siya sa kanyang ginawa. Mabuti na lang at nabiyayaan pa siya ng isang anak matapos ang 'di katanggap-tanggap niyang ginawa sa kanyang unang ipinagbuntis.


Kung alam siguro ni direk ang mga ganitong 'lihim' ng sexy star, baka 'di siya tinanggap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page