top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kita sa video, todo-takip sa tiyan… UNICA HIJA NI GRETCHEN, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 09, 2021





Ang guwapo at matangkad pala ang fiancé ng unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco.


For sure ay ikinatuwa ng mga Marites na makita ang mapapangasawa ni Dominique na ipinost ni Gretchen sa kanyang Instagram account.


Ang ganda ngang tingnan na magkakasama sa picture at sa video si La Greta, ang kanyang Dada na si Mr. Tony Boy Cojuangco, at ang soon-to-be bride and groom na sina Dominique at Michael Hearn. "Christmas dinner" ang ganap, base na rin sa IG caption ni Gretchen.


Of course, as expected, stand-out na naman si La Greta with her bonggang white outfit na may pa-buntot.


Naka-black polo shirt and dark gray pants lang kasi si Mr. Tony Boy at dahil sa bahay lang nila ginanap ang Christmas dinner, naka-tsinelas nga lang ito.


Naka-white blouse, black blazer and black pants lang din si Dominic habang naka-blue long sleeves polo and gray pants naman with matching socks and tsinelas ang kanyang fiance na si Michael.


Kaya ang mga Marites na netizens, napa-comment talaga na ganu'n daw pala sa bahay nina Gretchen, bawal ipasok ang shoes kaya siguro pare-pareho silang naka-tsinelas.


Pero bukod sa tsinelas, ang isa pang pinagpiyestahan ng mga netizens ay ang obyus na pag-gain ngayon ng weight ni Dominique, although ang ganda-ganda pa rin naman ng face niya.


Kahit daw naka-black blazer na ito ay halatang malaki ang tiyan nito at mukhang tinatakpan ng anak ni Gretchen ang kanyang tummy habang nagpapa-picture.


Kaya may netizen ang na-curious at nag-comment ng, "I don't want to be rude - is Dom preggy?


Kung busog lang, ok lang din."


May sumagot naman ng "May nagtanong na din niyan sa IG niya and she said no, mahilig lang daw silang kumain. Haha!"


Komento naman ng isa pa, "Mukha ngang juntis. Wishing them well! Lola na si Greta."


Agree rin ang iba pang netizens at anila, "Oo nga 'no?! Pero ok lang naman 'yan. Blessing 'yan."


"Yep, looks preggy na nga. Manas na din face niya."


"There was a photo from one of her friends na she really looks pregnant. Naka-side view siya and bigla kasi siyang lumaki, tapos biglang ikakasal. Nothing wrong naman, she’s of age and graduate na at may business pa."


"Actually, nag-like siya sa baby carrier post ng isang famous na online seller."


Hmmm… Well, kung true man, I'm sure ikatutuwa pa 'yan ni Gretchen dahil may bago na siyang paglalaruang cute na bagets!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page