Kinikilalang “streaming service giant” sa buong mundo… Netflix, nawawalan na ng subscribers
- BULGAR
- Apr 21, 2022
- 1 min read
ni Zel Fernandez | April 21, 2022

Sumadsad ang shares ng binansagang “streaming service giant”, ang Netflix, matapos mabawasan ang mga subscribers nito.
Tinatayang aabot sa mahigit 25% ang ibinaba ng shares ng Netflix matapos maiulat ng kumpanya na nawala ang mahigit 200 libong mga subscribers nito sa unang quarter ngayong 2022.
Sinasabing nagsimulang mawala ang mga subscribers ng sikat na online streaming service matapos ang ipinatupad nitong price hike sa mga developed markets kabilang ang US at Canada.
Sa kasalukuyan, nasa 221.6 million subscribers na ang tumatangkilik sa Netflix sa buong mundo, ngunit inaasahan umano na mababawasan pa ito ng 2 million sa susunod na quarter ng taon.
Comentarios