top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

DRUG WAR SERIES NINA IAN AT HARVEY, IPINA-STOP SA YOUTUBE, DIREK SHUGO, NAGSALITA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | October 8, 2026



SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein Entertainment

Photo: FB Rhein Entertainment



Nagpakatotoo si Direk Shugo Praico – ang direktor ng Drug War: A Conspiracy of Silence, a 6-part crime drama series ng Rein Entertainment na umeere sa YouTube Channel nito at pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Harvey Bautista at Jane Oineza – na after ng 5 episodes nito, ipina-pull down ang series sa YT kaya medyo tumagal bago finally ay maieere na ang final episode nito ngayong Huwebes nang gabi, at 8 PM.


“Ah, without going to the details, a few weeks ago, it was pulled down by YouTube. So, kami, the producers had to work to bring it up again. Hanggang du’n lang po,” ani Direk Shugo tungkol sa detalyeng maibibigay niya sa nangyari.


Nu’ng mga first advance screenings pa lang ng Drug War na ipinapanood sa press people, na-feel na namin na baka may ilang sektor o grupo na tamaan at mag-react sa sobrang tapang ng presentasyon ni Direk Shugo at pagkakasulat ng istorya mula sa mga writers na sina Jonathan Guillermo at Ms. Noreen Capili, kahit pa sabihing may mga pinagbasehan naman ng mga eksena sa tunay na nangyari nu’ng panahon ng drug war ng administrasyong Duterte.


Pero mukhang hindi nga natinag ang creators ng Drug War series dahil kung matapang ang first five episodes nito, may mga pasabog din silang eksena sa 6th and final episode na dapat mapanood ng marami.


Tinanong nga namin si Direk Shugo sa ginanap na advance screening and talkback ng Drug War last Tuesday night kung na-consider ba nila ‘yung idea na baka iboykot sila ng mga DDS (diehard Duterte supporters) dahil sa isang eksena sa series kung saan may ginawa sila sa effigy ni former Pres. Rodrigo Duterte.


Aniya, “If that’s their stand, basta po kami, we tell the stories na we think shows both sides of the truth. If they see it otherwise, wala po kaming magagawa. But siyempre, ang aming hope is that they see also insights dito sa kuwento na ‘to na somehow, makapagbago or give them a different perspective.”


Sana raw, bago husgahan ay panoorin muna ng mga supporters ng dating pangulo ang Drug War para makita nila ang gustong iparating ng kuwento sa bawat Pilipino.


Mapapanood ang unang lima at ika-anim na episode ng Drug War: A Conspiracy of Silence sa Rein Entertainment Channel sa YouTube.


At kung nabitin kayo, don’t worry, kino-consider daw nina Direk Shugo at ng mga writers na magkaroon ng Season 2 at Season 3. Kaya sana, mas marami pa ang makapanood ng Drug War. 


Pramis, hindi kayo magsasayang ng oras dito dahil pare-parehong ang gagaling nina Ian Veneracion, Harvey Bautista, Jane Oineza, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Lotlot de Leon, Joem Bascon, Ryan Eigenmann, John Arcilla, Art Acuña at marami pang iba.





Ayaw daw mag-gown…

ICE, KINAYANG MAG-CORSET, ATRAS MAG-ALA-DISNEY PRINCESS



KAKAIBANG music genre ang hatid ng kilalang OPM Acoustic Icon na si Ice Seguerra sa kanyang upcoming concert sa Music Museum on Nov. 6 & 7, ang Ice Sings! An Intimate Concert Series: Musical Hits. 


Kung nasanay tayo kay Ice sa mapusong hugot sa kanyang mga pinasikat na kanta, this time, ita-try naman niya ang musical, at mga Broadway, Disney at theater hits ang kakantahin niya para sa audience sa two-night concert.


Pero kung nag-viral o nag-trending ang pa-corset ni Ice sa Sexy Time segment sa last Sessionistas: The Playlist concert, wala raw pasabog na Disney costume this time dahil ayaw mag-gown ng singer-songwriter-director.


Mas gusto kasi ni Ice na i-showcase ang kanyang talent sa pagkanta ng musical songs na bata pa pala siya at nagsisimula pa lang mag-aral kumanta ay nagawa na niya.

Kaya kung tutuusin, babalikan na lang niya ang ganitong genre, na ngayon pa lang niya ipapakita sa kanyang mga fans sa concert.


Challenge actually kay Ice ang pagbirit dahil hindi raw talaga siya belter. In fact, hirap nga raw siya nang kantahin ang I Will Always Love You ni Whitney Houston, pero naitawid pa rin naman dahil kailangan.


At nang minsang mag-videoke session daw si Ice at narinig ng kanyang misis na si Liza Diño-Seguerra na bumibirit ng high notes, na-amazed ang former FDCP chairperson na kaya rin palang kumanta ng kanyang mister ng mga high notes kaya ipinush nilang balikan ni Ice ang classical at musical songs at dito nga nabuo ang Ice Sings! An Intimate Concert Series: Musical Hits. 


Wala pang ini-announce na mga special guests ni Ice, pero knowing Fire & Ice Entertainment Productions, hindi sila papayag na hindi sulit ang makukuha nila para sa concert. 


Hindi pa rin daw matiyak ni Ice kung bababa uli siya sa audience tulad ng ginawa niya noon sa Videoke Hits concert kung saan tuwang-tuwa ang mga fans niya dahil nahahalikan siya at nakakapagpa-selfie sa kanya. 


Pero knowing Direk Ice na ang gusto lang ay mapasaya ang kanyang audience, once na ma-feel niyang gustong maki-jamming ng kanyang mga fans, eh, bababa rin ‘yan.

Kaya sa mga gustong makita ang ibang side ni Ice Seguerra, grab your tickets now at baka ma-sold-out na, kayo rin!





‘Di uso sa kanya ang krisis…

SIKAT NA TV HOST, NA-CUTE-AN SA WORTH P1K BLOUSE NG STAFF, NAGPABILI NG LAHAT NG KULAY, GINAWA LANG PAMBAHAY




  • BLIND ITEM


BLIND ITEM:


“IBA na ang rich!” 

‘Yan na lang ang masasabi namin sa sikat na TV host-actress na sa sobrang yaman ay barya-barya lang sa kanya ang P1 thousand, na para sa ordinaryong tao ay marami nang mabibili.


Natatawang chika sa amin ng dating staff ng sikat na TV host, minsang nag-taping sila ay na-cute-an raw ito sa suot niyang blouse na nabili niya ng P999.


“Wala namang kakaiba ru’n sa blouse, Ate. Na-cute-an lang talaga siya kaya in-ask niya ako saan ko nabili. Ayun, nagpabili ng lahat ng kulay du’n sa dyulalay niya, tapos malaman-laman ko, ginawa lang niyang pambahay!” lokang-lokang kuwento ng aming source.


Well, sabi nga, kung afford naman ng sikat na TV host at hindi naman niya ninakaw ang perang pambili niya, carebears ba natin?!


Sa sobrang yaman niya, parang ‘di uso sa kanya ang krisis, ‘di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page