DOH, mino-monitor ang hinihinalang kaso ng pneumonic plague sa Russia

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: DOH / FIle
Mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon sa Russia kaugnay ng hinihinalang kaso ng pneumonic plague at sinabing handa ang Pilipinas na tumugon kung kinakailangan.
Ayon sa DOH, nakikipag-ugnayan din ito sa mga rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ng ahensya na patuloy na nagsasagawa ng screening ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga biyahero, kabilang ang pag-check sa travel history at kalagayan ng kanilang kalusugan.
Isinasagawa rin ang surveillance sa mga daga at pulgas na maaaring magdala ng sakit sa mga papasok na kargamento at sasakyang-dagat.
Nauna rito, isang empleyado ng anti-plague institute sa Irkutsk ang namatay dahil sa pneumonia na hindi pa matukoy ang sanhi. Dahil dito, isinailalim sa quarantine ang isang ospital at halos 200 katao sa medical observation.





Comments