top of page
Search

ni Lucille Galon @Entertainment News | July 16, 2024



Showbiz Photo

Humirit ang aktor na si Anthony Jennings na masarap daw katrabaho ang aktres na si Maris Racal sa Netflix digital series na BIDA B!DA: LOVE TEAM KO, LOVE TEAM MO, kasama ang BarDa love team na sina Barbie Forteza at David Licauco na mapapanood sa YouTube (YT).


Tanong ng aktres na si Barbie kay Anthony, “First time n’yo bang maging part ng love team or dati ba, naging part na kayo ng love team? May difference ba?” Sagot ng aktor, “Ako, nagka-love team na rin ako dati, pero ’yun nga, mas bata rin ako. Isa lang naman ang naging love team ko before, eh, tapos, pangalawa na s’ya (Maris).


Parang before kasi, ‘yun nga, mas less mature pa ko nu’n so parang medyo ‘di ko pa alam ‘yung trabaho ko, kung paano ko s’ya gagawin. "Ngayon kasi, parang mas kapa mo na, eh, ‘yung co-actors mo. Mas komportable ka na, mas masarap katrabaho (sabay turo kay Maris),” dagdag nito.


Sey ni Barbie, “Mahusay kasi.” “Masarap din talaga,” hirit ni Maris. “Hoyyy!” sigaw ni Barbie. “Ako, katrabaho!” paliwanag pa ni Maris. Oh, my gosh, ano ito? Work, work, work pa ba ito o love, love, love na? Talaga namang nag-click ang MaThon (Maris Racal at Anthony Jennings). Ano’ng sey n’yo mga Ka-BULGAR?

 
 

ni Zel Fernandez | April 21, 2022


Sumadsad ang shares ng binansagang “streaming service giant”, ang Netflix, matapos mabawasan ang mga subscribers nito.


Tinatayang aabot sa mahigit 25% ang ibinaba ng shares ng Netflix matapos maiulat ng kumpanya na nawala ang mahigit 200 libong mga subscribers nito sa unang quarter ngayong 2022.


Sinasabing nagsimulang mawala ang mga subscribers ng sikat na online streaming service matapos ang ipinatupad nitong price hike sa mga developed markets kabilang ang US at Canada.


Sa kasalukuyan, nasa 221.6 million subscribers na ang tumatangkilik sa Netflix sa buong mundo, ngunit inaasahan umano na mababawasan pa ito ng 2 million sa susunod na quarter ng taon.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 29, 2021



Nakikipag-ugnayan na umano sa Netflix ang direktor ng hit series Squid Game na si Hwang Dong Hyuk tungkol sa ikalawa at ikatlong season nito.


“I think we’ll be reaching some sort of conclusion [to our discussions] soon," ani Hwang Dong Hyuk sa isang pahayag. "We know that many people are waiting, so everyone is working hard to prepare for the next season with a positive outlook."


Ayon pa sa direktor, iikot ang season 2 sa karakter ni Lee Jung Jae na si Seong Gu Hun tungkol sa pagtuklas sa mga misteryo ng organisasyon na nasa likod ng mga deadly games.


"The overarching plotline of Season 2 will be the story of the people that Gi Hun meets and the people he chases after," aniya.


Matatandaang nangako si Hwang Dong Hyuk na magkakaroon ng season 2 ang hit show, at ayon pa sa report ng Soompi, posibleng magkaroon pa ito ng third season.


"It’s true that we are discussing a wide variety of possibilities for 'Squid Game,' including the production of a Season 3, but nothing has yet been set in stone," pahayag nila.


Simula nang i-release ang “Squid Game” noong Setyembre ay tinagurian na itong Netflix’s biggest show.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page