Jordanian national, binaril ng kasamang driver sa Naga City

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: Circulatted
Nasugatan sa binti ang isang Jordanian national matapos barilin ng kanyang kasamang driver noong alas-9 ng gabi, Oktubre 6, sa Barangay Tuyan, Naga City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Malek, 29, na nagtamo ng tama ng bala sa binti.
Naaresto naman sa hot pursuit operation ang suspek na si Vin, 22, alas-2:30 ng madaling araw noong Oktubre 7 sa Barangay Pakigne, Minglanilla.
Ayon sa pulisya, posibleng may kaugnayan sa insidente ang alegasyon na nagbibigay ng impormasyon si Malek sa mga pulis tungkol sa negosyo ng kanilang amo.
Patuloy namang hinahanap ng pulisya ang kanilang amo.
Naghahanda na ang pulisya ng kasong frustrated murder laban sa suspek at sa kanyang amo.





Comments