PAL, kinansela ang dalawang biyahe papuntang Riyadh

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: File
Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang dalawang flight sa pagitan ng Manila at Riyadh, Saudi Arabia dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Kinansela ang flight PR654 mula Manila patungong Riyadh nitong Oktubre 8 at ang pabalik na flight PR655 sa Oktubre 10.
Ayon sa PAL, ginawa ang hakbang dahil sa patuloy na pag-monitor sa sitwasyon sa rehiyon at kondisyon ng paliparan.
Hindi pa sinabi ng airline kung magkakaroon ng kanselasyon sa mga susunod na flight.
Nauna rito, iniulat na sinalakay ng Houthi rebels ang King Khalid International Airport sa Riyadh, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng walo.
Inatake rin ang Abha airport na nagresulta sa dalawang patay at 28 sugatan.





Comments