Kinatawan ng author na ayaw magpakilala sa publiko
- BULGAR
- Oct 29, 2022
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 29, 2022
Dear Chief Acosta,
Mayroon akong isinulat na romance book, ngunit hindi ko inilagay ang aking pangalan bilang author nito. Kung mapagdesisyunan kong i-publish ito, sino ang aking magiging representative para sa aking gawa? - Jude
Dear Jude,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 179 ng Republic Act No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code, kung saan nakasaad na:
“179. Anonymous and Pseudonymous Works. For purposes of this Act, the publishers shall be deemed to represent the authors of articles and other writings published without the names of the authors or under pseudonyms, unless the contrary appears, or the pseudonyms or adopted name leaves no doubt as to the author’s identity, or if the author of the anonymous works discloses his identity. ;” (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nabanggit, ang mga publishers ang itinalaga ng batas upang maging kinatawan ng anonymous author, maliban na lamang kung kalaunan ay ibinunyag niya ang kanyang tunay na pangalan o pagkatao.
Ibig sabihin, kung nais mong i-publish ang iyong gawa bilang anonymous author nito, ang iyong publisher ang magiging representative mo para rito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments