top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

KIM, INILALAGLAG NG MGA CO-HOSTS SA IT'S SHOWTIME SA HIWALAYAN KAY XIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 16, 2023


Isa sa mga hurado ng dance contest segment ng It's Showtime si Kim Chiu.


Komento niya sa isang group ng dancers, "Kung kinakailangan n'yong mag-level-up ay gawin n'yo, 'wag kayong hihinto. Kung gusto, may paraan, kung ayaw, may dahilan."


Sey tuloy ni Meme Vice, "May hugot ka, Kim? Para kanino 'yan?"


Idinaan na lang ni Kim sa tawa ang tanong ni Vice.


Hanggang ngayon kasi ay marami ang naniniwalang hiwalay na si Kim at ang matagal na niyang boyfriend na si Xian Lim.


Wala nga naman kasing tuwirang sinabi si Xian sa mahaba niyang mensahe kamakailan sa kanyang IG account kundi pawang sarili lang niya ang tinutukoy.


Kahapon naman, muling inurot nina Amy Perez at Jhong Hilario ang Chinita Princess sa TNT segment.


May koneksiyon sa magdyowa ang kinanta ng isang contestant.


Sabi ng host, "Parang may lungkot ang iyong kanta, hindi ka ba masaya sa girlfriend mo?"

"Masaya po," sagot ng contestant.


"Ikaw, T'yang Amy, masaya ka ba?" hirit ni Jhong.


"Oo naman, katatapos lang nga ng wedding anniversary namin, eh. Happy Anniversary, Love," bati pa ni Amy sa kanyang mister.


"Ikaw, Kim, masaya ka ba?" pang-uurot nila kay Kim.


"Siyempre naman, lahat tayo, masaya, 'di ba?"


Biglang humiwalay sina Jhong at Amy sa puwesto ni Kim at humirit ng "Masaya ako kaya dito rin ako."


Hmmm… ano kaya'ng reaksiyon ni Kim sa panlalaglag sa kanya ng ilang co-hosts sa It's Showtime?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page