top of page

Katiwalian sa hanay ng pulisya, dapat nang tuldukan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28
  • 3 min read

ni Leonida Sison @Boses | March 28, 2026

Boses by Ryan Sison

Tama lang na igiit ang zero tolerance sa korapsyon at abuso, dahil sa mata ng taumbayan, ang pulis ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi simbolo ng hustisya mismo. 

Kapag ang simbolong ito ay nadungisan, hindi lang imahe ang nasisira kundi ang tiwala ng buong komunidad.

Sa kanyang talumpati sa 47th Commencement Exercises ng PNPA “Silang Paglaom” Class of 2026 sa Silang, Cavite, muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng mahigpit na polisiya laban sa korupsiyon at paglabag sa karapatang pantao sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Aniya, walang puwang sa propesyon ang sinumang lalabag o babaluktot sa batas, lalo't sila ang inaasahang magpatupad nito.

Hinimok din ng Pangulo ang PNP, katuwang ang National Police Commission (NAPOLCOM) at Department of the Interior and Local Government (DILG), na tiyakin ang mabilis at patas na imbestigasyon sa bawat opisyal na lumalabag sa kanilang sinumpaang tungkulin. 

Ipinunto niya na libu-libong kaso na ang naimbestigahan laban sa mga tiwaling pulis, na nauwi sa iba’t ibang disciplinary actions, isang hakbang upang ipakitang may pananagutan sa loob ng institusyon.

Mahalaga rin ang transparency at police visibility upang muling mapalakas ang tiwala ng publiko. Dagdag pa niya, kailangang palalimin ang ugnayan ng pulisya at komunidad sa pamamagitan ng regular na pakikipag-ugnayan, dahil dito umano nabubuo ang tunay na kooperasyon at respeto.

Hindi rin nakalimutang hamunin ni Marcos ang mga bagong graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA) na maging bahagi ng pagbabago. 

Hinikayat silang linisin ang hanay ng pulisya upang hindi madungisan ng iilan ang reputasyon ng nakararami. Binigyang-diin niya na ang tunay na pulis ay naghahatid ng hustisya, lalo na sa mga inaapi, at hindi maging instrumento ng takot o pang-aabuso.

Ang panawagang ito ay hindi bago, ngunit nananatiling mahalaga. 

Sa kabila ng mga reporma, patuloy pa ring hinahamon ang kredibilidad ng pulisya ng ilang insidente ng pang-aabuso at katiwalian. Kaya’t ang tunay na sukatan ng ganitong pahayag ay hindi nasa salita kundi sa konkretong aksyon at tuluy-tuloy na pagpapatupad.

Ang tiwala ng taumbayan ay hindi hinihingi, ito ay pinaghihirapan at pinananatili. Kung nais ng kapulisan na maging tunay na sandigan ng publiko, kailangang magsimula ito sa loob mismo ng kanilang hanay. Ang integridad, kapag naitatag, ay nagiging pundasyon ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

TAMA lang na igiit ang zero tolerance sa korapsyon at abuso, dahil sa mata ng taumbayan, ang pulis ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi simbolo ng hustisya mismo. 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page