KATHRYN, NO SHOW SA RENEWAL NG CONTRACT NILA NI DANIEL
- BULGAR
- Mar 26, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 26, 2024

Natuwa na sana ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa tsikang may event na magkasama ang dalawa.
Contract signing pala ng isang product na ine-endorse ng dalawa ang event, kaya lang, si Daniel lang ang nasa mga photos na nag-renew ng kontrata sa Shawarma Shack.
Fake news ang balitang pinalitan si Daniel after ng breakup nila ni Kathryn dahil sabi ng owner, walang rason para palitan ang mga endorsers nila kabilang nga si Daniel.
Naging way din ang contract signing para makita si Daniel ng kanyang mga fans.
Nagkaroon bigla ng meet-and-greet at may mga nagpapirma pa ng autograph.
Wala si Kathryn sa contract signing, pero dahil endorser din siya ng Shawarma Shack, siguradong may contract signing din siya. May ibang event daw noong Sunday evening si Kathryn kaya mag-isa lang na pumirma si Daniel.




Comments