KATHRYN, NEXT KAY ANNE, MAY 20 M FOLLOWERS NA SA IG
ni Nitz Miralles @Bida | December 10, 2023

Umabot na rin sa 20 million ang mga followers ni Kathryn Bernardo sa Instagram at sila ni Anne Curtis ang most followed local celebrities sa IG dahil pareho sila ng number ng followers.
Naunang nakuha ni Anne ang 20 million followers nu'ng December 3 at sinundan ni Kathryn noong Dec. 8. Hintayin natin kung sino ang susunod sa dalawang aktres na may high numbers of followers sa IG.
Kahit noong hindi pa break sina Kathryn at Daniel Padilla, milyones na ang IG followers ni Kathryn, mabilis nga lang nadagdagan at umabot na sa 20 million nang makumpirmang break na sila ni Daniel.
And speaking of Kathryn, bukod sa nakalipat na sila sa bago nilang bahay, sunud-sunod ang bago nitong endorsement. Magkasunod din niyang ipinost ang video ng TVC niya for Anchor Land na isang real estate developer at endorsement niya ng TCL Philippines.
Siguradong may mga susunod pa siyang endorsements, wait lang daw tayo!
Ang kasunod na inaabangan ng mga fans ni Kathryn ay ang mga projects na gagawin niya for 2024. Mapa-telebisyon man o pelikula, naghihintay ang mga fans at hindi pa nga nailalatag ang projects na gagawin, “more projects” na ang isinisigaw nila.





Comments