top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

KATHRYN, 'DI INILAGLAG SI DANIEL SA PAG-AMING HIWALAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | December 2, 2023



Kung maraming celebrities ang nalungkot sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang mas higit na naapektuhan ay ang KathNiel fans.


Sabi nga ng aktres, "Chapter closed!"


Tinapos na niya ang mga katanungan sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Daniel.


Mahaba ang kanyang statement na ipinost niya sa Instagram account nu'ng Huwebes. Ipinaliwanag niya lahat-lahat kung bakit sila dumating sa punto ng hiwalayan.


Pinilit nilang i-survive ang 11 years nilang relasyon, pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil hindi rin nasolusyunan.


Napagod na rin sigurong mag-pretend ang celebrity couple kaya minabuti na nilang ihayag sa publiko ang katotohanan.


Bumaha naman ang mga komento ng mga netizens.


Anila, "Kathryn. Iyak ka lang today, pero mari-realize mo someday na best decision 'yan sa buhay mo."


"Oks lang 'yan, push lang, girl! 'Di n'yo lang destiny ang isa't isa. At least, na-realize n'yo nang mas maaga."


"The end of KathNiel Era."


Hinangaan naman nila ang aktres sa ginawang paglalantad ng kanilang breakup ni Daniel.


"Kath is pure class. Walang balak magkalat. She didn't let the noises around her dictate what she wants to say. She expressed herself in the most dignified way. Walang cryptic at paawa kineme.


Daniel is very lucky kasi Kath handles this in a very mature way. Pinrotektahan pa siya."


"Agree! If it was the girl he’s rumored to having an affair with, ang gulo and kalat for sure."


"Imposible 'yung affair dahil break na sila before mag-break 'yung isang girl with her ex."

"Until the end, Kath remained 'a very good girl' pa rin talaga."


"Who knows baka sila pa rin in the end."


"What I like most is despite everything, pinoprotektahan pa rin niya si Daniel. Alam niya kasi na 'pag nangyari ito, usually, nasa babae ang public sympathy at ang lalaki ang kinu-crucify."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page