Kasal ng dalawang tao na parehas na inampon ng isang tao, balido?

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 4, 2021
Dear Chief Acosta,
Mayroon akong kakilala na parehas silang adopted ng isang tao. Sila ay nagpakasal sa ibang bansa. May bisa rin ba sa Pilipinas ang kanilang kasal kapag may bisa ito sa bansa kung saan sila ikinasal? – Dorothy
Dear Dorothy,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Executive Order No. 209, o mas kilala bilang The Family Code of the Philippines. Nabanggit dito na:
“Art. 26. All marriages solemnized outside the Philippines, in accordance with the laws in force in the country where they were solemnized, and valid there as such, shall also be valid in this country, except those prohibited under Articles 35 (1), (4), (5) and (6), 3637 and 38. (17a)
xxx xxx xxx
Art. 38. The following marriages shall be void from the beginning for reasons of public policy:
xxx xxx xxx
(8) Between adopted children of the same adopter; and ...”Malinaw na nabanggit sa mga nasabing probisyon ng Family Code na walang bisa sa Pilipinas ang kasal ng dalawang tao kapag sila ay parehas na inampon ng isang tao kahit pa may bisa ang kanilang kasal sa bansa kung saan sila ikinasal.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinion kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments