Karneng mapanganib, sistemang bulok, talupan

ni Ka Ambo @Bistado | August 11, 2026

Maging sa Baguio City ay ibinebenta pala ang “botcha.”
Mismong si Mayor Benjamin Magalong ang nagbabala na papatawan nila ng mas mabigat na parusa ang isang negosyanteng dalawang beses nahuling nagbebenta ng botcha sa naturang lungsod.
-----$$$--
Sa totoo lang, ang mga frozen meat ay nagkalat hindi lang sa Baguio City bagkus pati sa NCR.
Ang tawag natin diyan ay “bubble gum.”
Pinaliliguan at ibinababad 'yan sa mga herbs at marinade chemicals—bilang proseso sa pagluluto.
----$$$--
Kapag nawala na ang lasa, idudura ang karne at kapag nakapasok sa bituka—kukulo ang iyong sikmura.
Nakapagtatakang hindi ito nasasawata ng Bureau of Customs.
-----$$$--
Kinilala ang negosyante ng botcha bilang isang alyas Domingo.
Dalawang beses ito nahuli sa Baguio City.
Pero, ano ang ipinangangahas nito sa naturang lungsod?
-----$$$--
May ulat na pumapalag ito sa mga awtoridad partikular sa mga opisyal ng City Veterinary and Agriculture Office.
Eh, bakit namimihasa 'yan?
Isang malaking paghamon ito kay Mayor Magalong na parusahan at kasuhan ang ganitong klase ng negosyante.
-----$$$--
SA totoo lang, isa ang pangalan ni Mayor Magalong bilang aspirante sa 2028 national election.
May mga nagsasabi na puwedeng makopya niya ang kapalaran ni dating Mayor Digong at dating Mayor Erap!
-----$$$--
KUNG tayo ang tatanungin, mahirap pang sabihin kung sino ang magwawagi sa 2028 presidential derby.
Ang unang hakbang muna—ay kung sino ang hahamon kay VP Sara Duterte.
----$$$--
NAGDEKLARA na si VP Sara, pero atubili sina Naga City Mayor Leni Robredo at Sen.Risa Hontiveros.
Kung tayo ang tatanungin, ang susunod na magiging pangulo ng Pilipinas sa 2028 ay walang duda “produkto ng AI.” Ha-Ha-Ha.
-----$$$--
MALAKI ang posibilidad na ang susunod na mauupo sa Malacañang ay isang “presidential robot,” isang “cloned” o isang “AI.”
Ano ang sey n'yo?
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments