top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

KARLA, GUSTO NANG MAGPAKAMATAY DAHIL KAY MELAI

BULGAR
May 11, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 11, 2021




Riot ang trailer ng pelikulang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na idinirek ni Easy Ferrer for Star Cinema at mapapanood na sa May 28 sa KTX.ph at iWant TFC; sa SKY pay-per-view at Cignal pay-per-view at maging sa TFC IPTV (para sa mga nasa ibang bansa) at hatid ng Cinexpress.


Nagpapalit-palit kasi ng karakter ang bawat isa, na sa kuwento ni Karla ay si Melai ang napuntang karakter sa kanya at sobra siyang nahirapan dahil kakaiba ang personalidad ng co-host niya sa Magandang Buhay.


Sa virtual mediacon ng Momshies! Ang Soul Mo’y Akin ay inamin ni Karla na gusto na niyang magpatiwakal nu’ng ginaya niya si Melai. Ito raw ang pinaka-challenging na ginawa niya sa pelikula nila.

“Sobrang gusto ko nang magpatiwakal nu’ng ginaya ko si Momshie Mels. Ang likot niya, para siyang kiti-kiti. Ang dami niyang nuances, ang dami niyang expressions na siya lang makakagawa,” sambit ni Momshie Karla.


Dagdag pa niya, “Nahirapan ako talaga. I think, ito na ang ikakabagsak ng career (ko) du'n sa mga eksena ko na for 30 years kong iningat-ingatan!


“Dahil hindi naman ako as professional as Jolina Magdangal, 'di ko na nabasa 'yung dulo ng script na magiging Melai pala ako. Mag-iisang ikot pa pala. Doon nagkatrayduran! Kaya nga nag-iisa lang 'yang Melai na 'yan. Sobrang hirap. Hindi mo talaga siya magagaya."


Umayon si Jolina sa sinabi ni Momshie Karla, talagang sumakit daw ang leeg niya sa panggagaya kay Melai.


“Mahirap talaga ‘yung kay Momshie Mels. Everytime na patapos na 'yung araw, ang sakit ng leeg ko kasi malikot talaga siyang tao,” sambit ni Jolens.


Aliw naman ang sagot ni Melai, “Kung hirap sila sa akin, mas hirap ako sa kanila. Mahirap maging maganda. Hindi ko talaga kaya maging maganda.


“Nakailang ulit si Direk Easy (Ferrer), ‘Melai, maging Karla Estrada.’ ‘Direk, 'di ko kaya.’ Sobrang hirap gumanda talaga.”


Nagkatawanan ang lahat sa sinabing ito ni Melai na kitang-kita mo na wala siyang insekuridad sa sarili niya dahil kahit sabihing hindi siya maganda ay nasa taong tumitingin para masabi kung ano ang tunay na ganda ng isang tao.


Iikot ang kuwento sa tatlong momshies na sina Jolene (Jolina), Mylene (Melai), at Karlene (Karla) na mababago ang buhay nang magkapalit ang kanilang mga kaluluwa at katawan.

Dahil dito, kailangan nilang mamuhay na magkakasama sa kabila ng mga personal nilang misyon sa buhay.


Anyway, sa limang taong pagsasama ng tatlong aktres bilang hosts sa programang Magandang Buhay ay ngayon lang sila nagsama sa pelikula kaya tawang-tawa rin ang buong production habang isinu-shoot nila ang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page