top of page
Search
  • BULGAR

Karapatang sumailalim sa preliminary investigation

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 11, 2021


Ang tao na sinampahan ng kasong kriminal ay mayroong karapatang sumailalim sa preliminary investigation upang mapatunayan niya kung mayroong basehan na siya ay sampahan ng kasong kriminal sa husgado. Ang preliminary investigation ay pagsisiyasat na isinasagawa ng piskalya nang sa gayun ay kanilang mapagtanto kung mayroong probable cause o ‘yung sapat na paniniwala na ang krimen ay naganap at ang inirereklamo ang maaaring gumawa nito. Ito ay upang ang prosecutor (piskal) ay makagawa ng Complaint o Information. Ang layunin ng preliminary investigation ay upang suriin nang maigi kung sino ang dapat masampahan ng kaso at maiwasan ang anumang uri ng pagkakaso nang walang basehan at mapigilan na ang taong inosente na mapahiya sa publiko at sumailalim sa magastos, nakapapagod at mahabang paglilitis. (Salonga vs. Paño et al., G.R. No. L-59524, February 18, 1985, Ponente: Honorable former Associate Justice Hugo Gutierrez, Jr.).


Ang karapatang sumailalim sa preliminary investigation ay ipinagkakaloob sa mga taong inaakusahan ng krimen na ang kaparusahang itinalaga ng batas ay nasaapat (4) na taon, dalawang (2) buwan at isang (1) araw.


Ayon sa Seksiyon 2, Rule 112 ng Rules of Criminal Procedure, ang mga kinauukulan na maaaring magsagawa ng preliminary investigation ay ang mga sumusunod:


“(a) Provincial or City Prosecutors and their assistants;

(b) Judges of the Municipal Trial Courts and Municipal Circuit Trial Courts;

(c) National and Regional State Prosecutors; at

(d) Other officers as may be authorized by law.”


Isinasagawa ang preliminary investigation para mabigyan ng pagkakataon ang inihahabla upang magbigay ng kanyang panig laban sa akusasyong isinampa laban sa kanya. Inaasahan din na magsumite ang bawat panig ng ebidensiya bilang suporta sa kanilang alegasyon. Ito ang pag-aaralan at titimbangin ng piskal o ng kinauukulang nagsagawa ng nasabing imbestigasyon kung sapat ang mga ito para sampahan ng kaso ang taong inihahabla. Kapag walang sapat na ebidensiya ay maaari itong ibasura ng piskal o ng taong nag-imbestiga. Kapag sapat naman ang ebidensiya ay sasampahan ng kaukulang kaso ang inihahabla.


Sa preliminary investigation ay binibigyan ang bawat panig na magsumite ng kani-kanilang ebidensiya para patunayan ang kanilang panig ayon sa mga nakatakdang araw. Itinututring na naisumite na para sa resolusyon ng piskalya ang habla kapag nakapagsumite na ang bawat panig ng kani-kanilang Sinumpaang Salaysay at mga dokumentong sumusuporta rito.


Ayon sa Department of Justice – National Prosecution Service (DOJ-NPS) Manual of Prosecutors (p. 99), sa karaniwan, lahat ng kaso para sa regular na preliminary investigation ay dapat magawan ng resolusyon sa loob ng 60-araw mula nang ma-assign sa piskal ang habla o reklamo na maaaring pahabain ng dalawang (2) labing-limang (15) araw sa mga kasong ito:


zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Capital offenses;

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Complex issues;

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

With counter-charges;

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Consolidation of related complaints;

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Reassignment; and

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Other urgent/valid reasons


Kabilang sa 60-araw ang pagdinig at ang preparasyon ng resolusyon at ang pagsampa ng kaukulang kaso sa husgado. Sa imbestigasyon naman ng kaso na may kinalaman sa ilegal na droga, ito ay dapat mabigyan ng resolusyon sa loob ng 30-araw mula nang maisampa ang habla o reklamo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page