Karapatang mangalaga sa bata kapag naghiwalay ang mga magulang
- BULGAR
- May 6, 2022
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 6, 2022
Dear Chief Acosta,
Dahil sa hindi pagkakaunawaan, napagdesisyunan naming mag-asawa na maghiwalay na lamang. Gayunpaman, hindi namin mapagkasunduan kung kanino mapupunta ang pangangalaga sa aming limang taong gulang na anak. Dahil dito, nais ko sanang malaman kung sino sa aming mag-asawa ang may awtoridad sa aming anak?
Clarizel
Dear Clarizel,
Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 213 ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“ARTICLE 213. In case of separation of parents, parental authority shall be exercised by the parent designated by the Court. The Court shall take into account all relevant considerations, especially the choice of the child over seven years of age, unless the parent is chosen unfit.
No child under seven years of age shall be separated from the mother unless the court finds compelling reasons to order otherwise.” (Binigyang-diin)
Malinaw na nakasaad sa nasabing batas na ang anak na wala pang pitong (7) taong gulang ay hindi dapat ihiwalay sa ina maliban kung ang hukuman ay makahanap ng matibay na dahilan upang hindi ibigay sa kanya ang pangangalaga ng anak. Kaugnay nito, dahil ang inyong anak ay limang (5) taong gulang pa lamang, ikaw bilang kanyang ina, ang may karapatang mangalaga sa inyong anak maliban na lamang kung makahanap ng matibay na dahilan ang hukuman upang ibigay ang pangangalaga sa inyong asawa.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Maari ko po ba'ng Malaman, kung may karapatan ako sa custodiya ng anak ko na 4months old pa lang, may limang anak sa na unang Asawa niya ang kinakasama ko, at nagkaroon kami ng Isang anak na babae, Bagamat ang ama ng mga Bata sa kinakasama ko ay hindi nagbibigay ng sustento, damay sila sa aking gastos, bukod pa room dahil may mga pangangailangan ang anak ng kinakasama ko, ginagawa niyang mamalimos gamit ang anak naming 4months old, na ngayon ay may karamdaman, at kanya pa itong dinala kasama pa ng mga anak niya sa nauna..
Nagkaroon kasi kami ng pagtatalo na nauwi sa sakitan at hiwalayan..
Ngayon po, walang Bahay na matitirahan ang naging partner ko, Wala ri'ng trabaho…