top of page

Karapatan ng mga miyembro ng homeowners’ association

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 25, 2021



Dear Chief Acosta,

Bilang miyembro ng homeowners’ association, may karapatan ba kaming manghingi ng mga reports at financial statements mula sa aming asosyason? – Ben


Dear Ben,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 7 (b) ng Republic Act No. 9904, o mas kilala sa tawag na The Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, kung saan nakasaad na:


“Section 7. Rights of a Member. – An association member has full rights:


x x x


(b) to inspect association books and records during office hours and to be provided upon request with annual reports, including financial statements;” (Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, karapatan ng mga miyembro ng homeowner’s association na mabigyan ng kopya ng mga annual reports at financial statements ng kanilang asosyason, kung sila ay hihiling o magre-request para rito. Ibig sabihin, bilang miyembro ng inyong homeowners’ association, mayroon kayong karapatang humiling mula sa inyong asosyason na bigyan kayo ng mga nasabing dokumento.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page