- BULGAR
Karapatan ng mga educational institutions
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 24, 2022
Tulad ng mga mag-aaral, ang mga may-ari ng eskwelahan ay pinagkalooban din ng Saligang-Batas ng mga karapatan. Ito ang tinatawag na academic freedom. Kinikilala ng estado ang papel na ginagampanan ng publiko at pribadong institusyon sa larangan ng edukasyon. Kaugnay nito ang estado ay may kalayaang bigyan ng rasonableng superbisyon ang mga nasabing eskwelahan at ng mga namumuno nito.
Ayon sa ating Saligang-Batas ang academic freedom ay hindi binibigyan ng eksaktong kahulugan dahil hinahayaan itong lumawig sa pamamagitan ng mga desisyon at resolusyon ng ating mga husgado. Sa mga faculty, ang tanggap na kahulugan nito, ayon sa 1940 Statement of Principles of the American Association of University Professors ay ang mga sumusunod:
a. “The teacher is entitled to full freedom in research and in the publication of the results, subject to the adequate performance of his other academic duties;
b. The teacher is entitled to freedom in the classroom in discussing his subject, but he should be careful not to introduce into his teaching controversial matter which has relation to his subject
c. The college or university teacher is a citizen, a member of a learned profession, and an officer in an educational institution. When he speaks or writes as a citizen, he should be free from institutional censorship or discipline, but his special position in the community imposes special obligations. As a man of learning and as an educational officer, he should remember that the public may judge his profession and his institution by his utterances. Hence, he should at all times be accurate, should exercise appropriate restraint, should show respect for the opinions of others, and should make every effort to indicate that he is not an institutional spokesman.” (The 1987 Philippine Constitution A Reviewer-Primer 1997 edition by Father Joaquin G. Bernas, S.J., page 462.)
d. Kung atin itong pagninilayan, ang mga guro ay may layang gumamit ng iba’t ibang paraan o medium para maituro nang maayos ang kanilang subjects, subalit sila rin ay binibigyan ng responsibilidad na maging maingat sa mga bibitawang salita sapagkat dapat nilang maisip na sila ay nasa institusyon, kung saan ang layunin ay magbigay ng kaalaman at edukasyon sa kabataan at mamamayan.
Sa panig ng eskwelahan, ang academic freedom ay tumutukoy sa mga sumusunod:
a. Who may teach;
b. What may be taught;
c. How it shall be taught; and
d. Who may be admitted to study?
Malinaw sa mga nabanggit na binibigyang-kalayaan ang eskwelahan na pumili kung sino ang mga magtuturo, ano ang ituturo, paano ito ituturo at kung sino ang dapat mag-aral sa nasabing eskwelahan. Kaugnay nito, ang eskwelahan ay mayroong layang magpatupad at magtalaga ng mga regulasyon at alituntunin para mabigyan ng katuparan ang nasabing academic freedom. Kabilang na ang mga requirements for admission. Dapat lamang bigyang-pansin ng nasabing institusyon na sa kanilang pagpapatupad ng mga alituntunin ay mabigyan nito ng garantiya ang mga karapatan ng mga mag-aaral na nakasaad sa Section IV ng Bill of Rights (Freedom of Speech, Expression, Press; Right to Peaceably Assemble, The 1987 Philippine Constitution A Reviewer-Primer 1997 edition by Father Joaquin G. Bernas, S.J., ibid.)
Sa mga non-stock, non-profit educational institutions, ang kanilang mga kinikita hangga’t ang mga ito ay eksklusibong nagagamit para sa edukasyon ay hindi mapapatawan ng buwis. (Section 3, Article IV, The 1987 Philippine Constitution)