Pang-asar sa Kakampinks… SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 24, 2026

Photo: FB Robin Padilla
Nag-trending ang post ni Sen. Robin Padilla na video clip ng pelikula nila ni Joshua Garcia na Unexpectedly Yours (UY) sa Facebook.
Gets agad ng mga netizens ang ibig sabihin ni Sen. Robin sa pag-post niya ng scene nila ni Joshua na ipinalabas noong 2017.
Nang-aasar daw si Robin sa mga bashers ni Joshua.
Caption ni Robin: “Unexpectedly Yours.”
Ang pagbabahagi ni Robin ng video ay timing sa kasagsagan ng mga batikos na natanggap ni Joshua online dahil sa pag-repost niya ng isang TikTok (TT) video na tila nagpapahayag ng suporta kay Vice-President Sara Duterte.
As expected, kani-kanyang hanash ang mga netizens kina Robin at Joshua.
“Pang-asar ba ‘to, Sen. Padilla?”
“What a title. Fit na fit for Joshua. UNEXPECTEDLY YOURS, dedicated to Sara and the rest of the DDS.”
“Magagalit ang mga Kakampink (Leni Robredo supporters) nito, Robin.”
“Unexpectedly DDS (Duterte diehard supporters) pala. Hahaha!”
“Naturuan mo ng tamang ideology si Joshua, Sen. Robin Padilla.”
“Gamit na gamit ka na ng mga DDS @iamjoshuagarcia proud ka na?”
Ironically, parehong Kakampinks naman ang mga leading ladies nina Sen. Robin at Joshua sa movie na sina Sharon Cuneta at Julia Barretto.
Well, sabi nga ni Kris Aquino, “Love, love, love!” lang, mga DDS at Kakampinks.





Comments