Karapatan ng mga bumubuo ng hukbong sandatahan
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 13, 2020
Sa lahat ng oras at pagkakataon, ang ating Hukbong Sandatahan ang nagsisilbing tagabantay ng kaligtasan saanmang sulok tayo ng Inang Bayan. Sila ang ipinadadala sa malalayong lugar at kabundukan upang panatilihin ang kapayapaan sa lahat ng oras. Ang katumbas ng kanilang pagbabantay para sa ating kalayaan at kaligtasan ay ang kanilang buhay. Buhay ang kanilang ibinubuwis upang mapangalagaan ang kasarinlan ng bayan. Sa bawat buhay na nalalagas nang dahil sa pangangalaga ng ating kaligtasan, ilang pamilya ang nagluluksa at nawalan ng mahal sa buhay.
Sa pagkakapasa ng Republic Act (R.A.) No. 7898 (An Act Providing for the Modernization of the Armed Forces of the Philippines and for Other Purposes) na inamyendahan ng R.A. No. 10349, layunin nitong palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang magampanan nito nang maayos ang mandatong pangalagaan ang kapangyarihan at kalayaan ng ating bansa maging ng pagsugpo sa iba’t ibang krimen tulad ng piracy, white slavery, smuggling, drug trafficking o hijacking. Maliban sa pagsugpo ng mga krimen, tinatawagan din ang kasundaluhan upang magbigay-tulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad, natural man ito o gawa ng tao.
Nakasaad sa Section 3 ng R.A. No. 7898, o mas kilala sa titulong “AFP Modernization Act” ang layunin ng nasabing batas tulad ng mga sumusunod:
“Sec. 3. Objectives of the AFP Modernization Program. — The AFP modernization program shall be implemented in accordance with the following objectives:
(a) To develop its capability to uphold the sovereignty and territorial integrity of the Republic and to secure the national territory from all forms of intrusion and encroachment;
(b) To develop its capability to assist civilian agencies in the preservation of the national patrimony, including the country's living and nonliving marine, submarine, mineral, forest and other natural resources located within its territory and its exclusive economic zone (EEZ);
(c) To enhance its capability to fulfill its mandate to protect the Filipino people not only from armed threats but from the ill effects of life-threatening and destructive consequences of natural and man-made disasters and calamities, including typhoons, earthquakes, volcanic eruptions, major accidents in far-flung or inaccessible terrain or at sea and from all forms of ecological damage;
(d) To improve its capability to assist other agencies in the enforcement of domestic and foreign policies as well as international covenants against piracy, white slavery, smuggling, drug trafficking, hijacking of aircraft and seacraft and the transport of toxic and other ecologically-harmful substances taking place in or through Philippine territory;
(e) To enhance its capability to assist the Philippine National Police in law enforcement and internal security operations;
(f) To enhance its capability to fulfill the country's international commitments; and
(g) To develop its capability to support national development.”
Nang dahil sa lumawak ang tungkulin at mandato ng AFP, marapat lamang na pangalagaan din ng ating pamahalaan ang kanilang kapakanan. Kaya naman, bahagi ng modernisasyon ng AFP ang pagpapalakas sa kanilang manpower at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng ating mga sundalo at ng kanilang pamilya.
Sa ating kasalukuyang administrasyon, tunay ngang binibigyan ng halaga ng estado ang kapakanan ng kasundaluhan na sa ngayon ay nahaharap sa pagsugpo sa lahat ng uri ng banta sa kasarinlan at kaligtasan ng ating bayan.





Comments