Karapatan ng mag-asawang legally separated
- BULGAR

- 8 minutes ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 23, 2025

Sang-ayon sa Article 55 ng Family Code of the Philippines, ang isang Petition for Legal Separation ay maaaring ihain base sa mga sumusunod na dahilan:
Repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner;
Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation;
Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement;
Final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than six years, even if pardoned;
Drug addiction or habitual alcoholism of the respondent;
Lesbianism or homosexuality of the respondent;
Contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage, whether in the Philippines or abroad;
Sexual infidelity or perversion;
Attempt by the respondent against the life of the petitioner; or
Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.
Ang naagrabyadong asawa na mayroong dahilan katulad ng mga nabanggit sa itaas ay maaaring maghain ng kanyang petisyon sa husgado sa loob ng limang taon mula nang nangyari ang kanyang basehan para hilingin sa husgado na maging legal siyang mahiwalay sa kanyang asawa. Kapag nakahain na ang petisyon ay may karapatan ang bawat panig na humiwalay ng kanilang tirahan. Kapag walang napagkasunduan ang mag-asawa na mangangalaga sa kanilang mga absolute community o conjugal partnership property, ang husgado ang magtatalaga kung sino sa mag-asawa ang magiging tagapangalaga ng mga nabanggit na ari-arian.
Kapag napagdesisyunan na ng husgado ang petisyon at ito ay pinagbigyan, ang kasal ay hindi pa rin napapawalang-bisa subalit ang mag-asawa ay may karapatan na bumukod ng kanilang tirahan. Ang absolute o conjugal partnership ay mapuputol subalit ang may salang asawa ay hindi maaaring humingi ng kanyang bahagi sa mga kita ng absolute o conjugal partnership at mapupunta sa kanilang mga anak. Ang kustodiya para sa mga menor-de-edad na anak ay maibibigay sa walang kasalanang asawa.
May karapatan din ang asawang naagrabyado na hindi bigyan ng mana ang may salang asawa sa intestate succession at kung may nagawang testamento ang inosenteng asawa pabor sa may salang asawa nito ay mawawalan ito ng bisa ayon sa batas.
Matapos na ang decree ng legal separation ay maging pinal, maaaring ipawalang-bisa ng inosenteng asawa ang anumang donasyong kanyang isinagawa pabor sa kanyang asawa maging ng anumang designasyon nito pabor sa kanyang asawa bilang benepisyaryo sa insurance policy. Ang pagbawi ng donasyon ay kinakailangang mairehistro sa Register of Deeds kung saan matatagpuan ang nasabing ari-arian. Anumang pagpapawalang-bisa ng donasyon ay kinakailangang magawa sa loob ng limang taon matapos maging pinal ang decree ng legal separation.








Comments