top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Karapatan ng kabataan laban sa pang-aabuso

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 14, 2021



1. Karapatang maprotektahan laban sa prostitusyon at iba pang pang-aabusong seksuwal;


2. Karapatang maprotektahan laban sa anumang trabaho, pagtatangka, pag-anyaya, pagbubuyo o pamimilit para gumawa ng mga malalaswang palabas, sa aktuwal man o sa video o maging modelo sa malaswang paglilimbag o materyales na itinuturing na pornograpiya;


3. Karapatang hindi gawing manlilimos (beggar);


4. Karapatang hindi magamit sa pagtutulak ng bawal na gamot;


5. Sa kabataan sa indigenous communities, sila ay binibigyan ng karapatang maprotektahan at makapamuhay nang ayon sa kanilang paniniwala, uri ng pamumuhay at tradisyon. Mayroon din silang karapatang mabigyan ng alternatibong uri ng edukasyon;


6. Bukod sa karapatang nabanggit, ang kabataan sa indigenous communities ay may karapatang mabigyan ng prayoridad sa pagdadala ng mga serbisyong pangkalusugan at nutrisyon. Sila ay may karapatan ding maprotektahan laban sa anumang uri ng diskriminasyon;


7. Sa kabataang nasa gitna ng digmaan (armed conflict), sila ay may karapatang hindi maging puntirya ng karahasan. Sila ay may karapatang maprotektahan laban sa anumang uri ng pananakot, pananakit, pagpapahirap o anumang klase ng pagtrato na itinuturing na hindi makatarungan at makatao;


8. Karapatang hindi mahikayat na maging miyembro ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas o sa anumang grupong sibilyan na may armas. Sila ay may karapatan ding hindi gawing kabahagi sa labanan o magamit na espiya, o kalatas (courier);


9. Sa kabataang nasa gitna ng digmaan, sila ay may karapatang mabigyan ng prayoridad upang mailikas dahilan sa nasabing digmaan;


10. Sinumang kabataan na naaresto dahilan sa siya ay kalahok sa digmaan bilang mandirigma, kalatas, tagagabay o espiya, siya ay pinoprotektahan ng mga sumusunod na karapatan:


a. Hiwalay na kulungan sa mga nasa tama o legal na edad maliban kung sila ay nakasama sa kanilang pamilya;


b. Maagap na libreng tulong legal;


c. Maipaalam sa kanilang mga magulang o sinumang nangangalaga sa kanila ang tungkol sa kanilang pagka-aresto;


d. Mailipat ang kustodiya at pag-iingat sa kanila, sa loob ng 24-oras, sa DSWD o anumang responsableng miyembro ng lipunan sang-ayon sa pag-aaral ng husgado.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page