Karapatan ng kababaihan sa maternity leave
- BULGAR
- Dec 20, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 20, 2021
Dear Chief Acosta,
Nakunan ang pinsan ko na nagdadalang-tao. Siya ay nasa 23-weeks nang kanyang pagbubuntis nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng tiyan. Sa kasamaang-palad ay hindi na tumitibok ang puso ng sanggol kaya kinailangan nang tanggalin sa kanyang sinapupunan. Maaari ba siyang lumiban pa rin sa trabaho? O, para lamang ba sa mga nanganganak ang maternity leave na tinatawag? – Jasmine
Dear Jasmine,
Ang kapakanan at karapatan ng mga kababaihan ay pinoprotektahan ng ating mga batas sapagkat kinikilala ng Estado hindi lamang ang kanilang mga kapasidad bilang indibidwal, kundi pati na rin ang kanilang kakayahan bilang ilaw ng tahanan.
Ang isa sa mga karapatang ipinagkakaloob sa kanila ay ang benepisyo ng maternity leave. Nais naming bigyang-diin na ang nasabing benepisyo ay hindi lamang para sa mga kababaihang nagsilang ng kanilang anak. Ipinagkakaloob din ang maternity leave benefit para sa mga kababaihang nagbuntis, subalit nakunan o nagkaroon ng emergency termination of pregnancy. Alinsunod sa Section 3 ng Republic Act No. 11210, o mas kilala bilang “105-Day Expanded Maternity Leave Law”
“SEC. 3. Grant of Maternity Leave. – All covered female workers in the government and in the private sector, including those in the informal economy, regardless of civil status or the legitimacy of her child, shall be granted one hundred five days (105) maternity leave with full pay and an option to extend for an additional thirty (30) days without pay: Provided, That in case the worker qualifies as a solo parent under Republic Act No. 8972, or the “Solo Parents’ Welfare Act,” the worker shall be granted an additional fifteen (15) days maternity leave with full pay.
Enjoyment of maternity leave cannot be deferred but should be availed of either before or after the actual period of delivery in a continuous and uninterrupted manner, not exceeding one hundred five days (105), as the case may be.
Maternity Leave shall be granted to female workers in every instance of pregnancy, miscarriage or emergency termination of pregnancy, regardless of frequency: Provided, That for cases of miscarriage or emergency termination of pregnancy, sixty (60) days of maternity leave with full pay shall be granted.”
(Binigyang-diin)
Sa sitwasyong nabanggit mo, maaari pa ring lumiban ang pinsan mo ng 60-araw kahit hindi niya naipanganak nang buhay ang sanggol na dinala sa kanyang sinapupunan ng 23-weeks. Para sa kaalaman ng lahat, saklaw ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law ang kababaihan na (1) nagtatrabaho sa pampublikong sektor, (2) nagtatrabaho sa pribadong sektor, (3) nagtatrabaho sa informal economy, (4) boluntaryong naghuhulog sa Social Security System o SSS, at (5) pambansang atleta. (Section 1, Rule III, Implementing Rules and Regulations of R. A. No. 11210) Mahalaga lamang na isumite ng pinsan mo ang mga kaukulang dokumento at/o rekisito upang ma-avail ang naturang benepisyo.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments