Karapatan at obligasyon ng mag-asawa
- BULGAR
- Nov 15, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 15, 2020
Ang pag-aasawa ay malaking obligasyon sapagkat ang lahat ng magaganap sa loob ng matrimonya o kasal ay dapat sumusunod at naaayon sa batas. Mula sa pagpapakasal hanggang sa ito ay magtapos ay mayroong itinatakda ang batas na marapat na susundin. Malinaw na isinasaad sa Executive Order 209 o mas kilala sa titulong Family Code of the Philippines, kung saan nakatala ang lahat ng tungkulin at obligasyon ng mag-asawa, ang mga sumusunod:
“Article 68. The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.
Article 69. The husband and wife shall fix the family domicile. In case of disagreement, the court shall decide.
The court may exempt one spouse from living with the other if the latter should live abroad or there are other valid and compelling reasons for the exemption. However, such exemption shall not apply if the same is not compatible with the solidarity of the family.”
Kung ating susuriin ang mga nabanggit na probisyon mula sa nabanggit na batas ay mapapansin nating tungkulin ng mag-asawa na magsama sa iisang bubong, maging tapat sa isa’t isa at magbigayan ng tulong at suporta sa bawat isa.
Ang obligasyong magsama sa iisang bubong ay maaaring hindi magampanan ng asawa kung ang kanyang trabaho ay malayo sa lugar kung saan itinatag ang family home o tahanan. Ito ay tatayong pagbubukod sa nasabing obligasyon.
Marami sa ating mga kababayan ay nagtatrabaho sa ibang bansa, kaya naman sila ay nalalayo sa kani-kanilang pamilya. Ngunit hindi ito nangangahulugang sila ay hindi tumutupad sa kanilang obligasyon sa pamilya at sa kanilang asawa. Kinakailangan lamang nilang umalis pansamantala upang magtrabaho at makapagbigay-suportang pinansiyal sa kanilang pamilya.
Sa mga sandaling malayo sila ay inaaasahan na sila ay mananatili pa ring tapat sa kanilang pamilya at sa pagtupad ng kanilang tungkulin, sapagkat ang anumang paglabag sa mga responsibilidad sa pamilya ay mayroong kaakibat na kasong kakaharapin. Ito ay bunsod ng pagtupad sa hangarin ng batas na pag-isahin at patatagin ang pamilya bilang pangunahing institusyon ng estado.




Ay grabe, interesting article! It reminds me of the importance of family, just like in A Bleach-inspired PvP RPG on Roblox where you have to support your team. I wonder if there are similar obligations in games like type soul . 🤔