top of page

KAPUSO STAFF NA BAGONG BABAE RAW NI BARON, KINOMPRONTA NG MISIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | December 1, 2023



May nali-link na babae umano sa aktor na si Baron Geisler at isa raw itong staff ng GMA-7.


Nakilala raw ng girl ang aktor nang mag-guest si Baron sa programang Fast Talk with Boy Abunda.


Sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi ay naikuwento ng una ang umano'y komprontasyon ng asawa ni Baron at ng naturang Kapuso staff.


Ayon daw sa misis ni Baron na si Jamie ay may dalawang anak na lalaki ang Kapuso staff.


Sinabi pa raw ng girl na ang sabi sa kanya ni Baron, hindi na maganda ang pagsasama nila ng misis. Ikinukuwento raw sa kanya ang mga problema nilang mag-asawa.


Chill lang naman daw si Jamie sa confrontation nila ng girl.


Ayon kina Ogie at Mama Loi, "Nagkausap si Jamie at saka ‘yung Kapuso person.


“Tapos doon ay ano, sa pag-uusap ni Jamie at ng Kapuso person, inisa-isa ng Kapuso person ‘yung mga sama ng loob ni Baron dito sa misis na it turned out ay nililinaw ni Jamie dito sa Kapuso person, 'So, naniniwala ka sa sinasabi ni Baron? Na ako ay ganoon?'


“Ang daming mga akusasyon pero ‘yung Jamie raw, ‘yung asawa ni Baron ay parang cool lang.


“Dahil ako, naniniwala ako ‘pag cool lang ay alam mo ‘yung sinasabi mo at alam mong nagsasabi ka nang totoo kasi ‘di ba, ‘pag inuna mo ‘yung galit, sabi nu’ng Jamie dito sa Kapuso person, ‘Gusto mo ‘yun, ‘yung alam mo na married man ang lalaki, gusto mo ‘yun?


You have two sons.


Meron din akong mga anak. May anak kami ni Baron.’ ‘Di ba, ‘di ba, mali na agad ‘yun?


“Tapos, sabi raw ng Kapuso person dito kay Jamie, ‘Insult me all you want...’ ‘No, I'm not insulting you, I'm telling you it's disgusting. Alam mong may pamilya ‘yung tao, papatulan mo...’"


Ang tanging makakapagpalinaw ng lahat ay si Baron, kung totoo nga ang alegasyon na ibinabato sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page