top of page

Kapangyarihan ng US, hindi nababali, lahat ng gusto nakukuha

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | January 6, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nagbalik na ang mga probinsyano sa Metro Manila.

Asahan ang matinding trapik.

 

-----$$$--

NAUUSO na naman ang nakawan.

Sintomas ng pagdarahop.

 

-----$$$--

KINOKONDENA ng Russia at China ang US.

Kumbaga, pare-pareho lang sila.

 

-----$$$--

Ang apat na taong giyerang Russia sa Ukraine ay ginawa lang ng “apat na oras” ng US sa Venezuela.

Nadukot agad si Nicolás Maduro.

 

----$$$--

PALPAK ang multi-bilyong dolyares na war armaments na pinakyaw ng Venezuela sa Russia at China.

‘Yan ang “gargantuan scam”.

 

----$$$--

MALINAW na balewala ang sopistikadong armas kapag walang kaukulang “Intel”.

Siyempre, kakambal d’yan ang mga “traydor sa bansa”.

 

-----$$$--

Panukat ngayon ang sitwasyon sa Latin America sa agresibong postura ng China sa West Philippine Sea.

Kinabugan si Xi Jin Ping bigla.

 

-----$$$--

Malinaw na malinaw na ang US pa rin ang hari sa daigdig.

Lahat ng gusto nila ay “hindi mababali”.

 

-----$$$--

Aktuwal ding pinatunayan ni US President Donald Trump na tumpak ang pagboto ng mga Kano sa kanyang posisyon.

Maka-America ang kanyang ideolohiya—kahit bastusin ang ibang bansa.

 

-----$$$--

SA totoo lang, hindi sila nagkakalayo ni Digong.

Nilalabag ang batas, basta’t nakataya ang “pagsugpo” sa krimen.

 

-----$$$--

NANGANGATOG naman sa takot ang mga huwes at prosekyutor ng International Criminal Court.

Maaari silang dukutin ng Russia o US kapag idineklara nilang lumabag sa  human right si Trump.

 

-----$$$--

MALINAW na “hindi patas” ang batas ng ICC.

Dapat nang buwagin.

Naduduro o nabu-bully nila ang mga maliliit na bansa—gaya sa Africa at Pilipinas.

 

-----$$$--

NABUBUHAY lang ang ICC mula sa limos ng ibang bansa.

Paano makakapabigay ng hustisya ang isang “pulubi”?

 

-----$$$--

MAPAPARUSAHAN ba ng pulubi ang pilantropo na pinagmumulan ng kanilang pagkain?

Simpleng sentido-kumon, dapat nang buwagin ang ICC.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page