top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

Kapangyarihan ng pastor na magdaos ng kasal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 16, 2021



Dear Chief Acosta,


Noong ikinasal ang aking pinsan at ang kanyang nobya, ang nagkasal sa kanila ay pastor ng church denomination kung saan ang pinsan ko ay hindi kabilang. Hindi rin ako sigurado kung kabilang ang kanyang nobya sa simbahan na iyon. Nais kong malaman kung may bisa ba ang kanilang kasal, kung kapwa sila hindi kabilang sa paniniwalang sekta ng nasabing pastor. – Warren


Dear Warren,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Article 7 ng Family Code. Nabanggit dito na:


“Art. 7. Marriage may be solemnized by:


(1) Any incumbent member of the judiciary within the court’s jurisdiction;

(2) Any priest, rabbi, imam, or minister of any church or religious sect duly authorized by his church or religious sect and registered with the civil registrar general, acting within the limits of the written authority granted by his church or religious sect and provided that at least one of the contracting parties belongs to the solemnizing officer's church or religious sect; xxx


(Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang ministro ng simbahan ay maaaring magdaos ng kasal kapag siya ay binigyan ng kapangyarihan ng kanyang simbahan para rito, at kung ang awtoridad ay nakarehistro sa civil registrar general.


Higit pa rito, upang magkaroon ng bisa ang kasal, kinakailangang ang isa sa mga ikakasal ay miyembro ng nasabing simbahan. Sa kaso ng inyong pinsan, kung ang kanyang napangasawa ay miyembro ng nasabing simbahan kung saan sila ikinasal, maaaring maituring na balido ang kanilang kasal sa kondisyon na nasunod nila ang iba pang panuntunan na nabanggit sa Family Code.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page