top of page
Pokwang.jpg

Kapag walang legal heirs at naiwang huling habilin ang taong namayapa...

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2020
2 min read

Sa gobyerno mapupunta ang naiwang ari-arian at hindi sa kaibigan

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 28, 2020



Dear Chief Acosta,


Namatay ang aking kaibigan at wala siyang naiwang asawa, anak, magulang o kapatid sapagkat wala siyang kamag-anak. Bukod pa rito, wala rin siyang naiwang huling habilin. Maaari bang mapunta sa akin ang kanyang mga ari-arian sapagkat ako ang pinakamalapit niyang kaibigan? – Beng


Dear Beng,


Para sa inyong kaalaman, naipaliwanag ng Korte Suprema, sa panulat ni dating Associate Justice Josue N. Bellosillo, ang sagot sa inyong katanungan sa Republic of the Philippines represented by the Register of Deeds of Pasay City, Vs. Court of Appeals (Special Former 3rd Division) and Amada H. Solano, Assisted By Her Husband Romeo Solano (G.R. No. 143483, January 31, 2002) kung saan isinaad na:


Escheat is a proceeding, unlike that of succession or assignment, whereby the state, by virtue of its sovereignty, steps in and claims the real or personal property of a person who dies intestate leaving no heir. In the absence of a lawful owner, a property is claimed by the state to forestall an open "invitation to self-service by the first comers”.

Samakatwid, malinaw sa nabanggit na desisyon na kapag walang legal heirs at naiwang huling habilin ang taong namayapa ay sa gobyerno natin mapupunta ang kanyang naiwang ari-arian at hindi sa kanyang mga kaibigan.


Ang proseso nito ay malinaw na nakasaad sa Section 1 ng Rule 91 ng Rules of Court:

Sec. 1. When and by whom petition filed. – When a person dies intestate, seized of real or personal property in the Philippines, leaving no heir or person by law entitled to the same, the Solicitor General or his representative in behalf of the Republic of the Philippines, may file a petition in the Court of First Instance of the province where the deceased last resided or in which he had estate, if he resided out of the Philippines, setting forth the facts, and praying that the estate of the deceased be declared escheated.


Malinaw sa nabanggit na ang solicitor general o kanyang kinatawan, para sa Republika ng Pilipinas ang siyang magsasampa ng nabanggit na petisyon.


Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunman, binibigyang-linaw naming ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham at aming interpretasyon dito. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni o bumisita sa aming tanggapan upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon nang sa gayun ay mapayuhan kayo ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page