Kalusugan ni PBBM, ginagawang isyu sa halip na unawain
- BULGAR

- Jan 26
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 26, 2026

Usap-usapan ang health condition ni PBBM.
Sa totoo lang, normal lang na magkasakit ang mga may edad na, lalo na’t may sangkatutak na “stress”.
-----$$$--
Puwedeng sabihin na humina ang immune system ng pangulo–na ordinaryong nararanasan ng mga tao.
Kapag mahina ang immune system, siyempre, lilitaw ang iba’t ibang karamdaman.
-----$$$--
ISINASAGAWA na ang rehabilitasyon ng EDSA Highways, pero hindi naging issue ang trapik.
Bagkus, maayos na ipinatutupad ito nang walang gaanong abala.
Mahalaga ay higit na maayos ngayon ang daanan sa Metro Manila.
----$$$--
SA Sorsogon, ipinatupad din ang rehabilitasyon ng mga lansangan at nasaksihan ng mga residente dito ang maayos na implementasyon.
Binansagan ito bilang “Sorsogon standard”.
-----$$$--
NATUKLASAN ng DPWH na hindi solusyon ang pagtapal ng aspalto dahil higit na may inobasyon ang isinagawa nilang highway rehab sa Sorsogon.
Sa tingin natin, ito ay siyang modelo ngayon na ipinatutupad sa EDSA Rehab.
-----$$$--
SA isang ocular inspection sa Camarines Sur at Quezon Province kamakailan, iniutos ni DPWH Sec. Vince Dizon ang pagtigil sa patingi-tingi o puta-putaking repair ng lansangan.
Iniatas niya ang implementasyon ng “comprehensive master plan” sa tulong ng mga Japanese consultant.
-----$$$--
PUMABOR at ikinatuwa ni Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte ang naturang diskarte.
Ito ngayon ang padron sa isyu ng "road slipping" at pagbuo ng matibay na highway.
----$$$--
SA totoo lang, matagal nang naipatupad ang modernong diskarteng ito sa Sorsogon sa ilalim ng dating gobernador at ngayon ay senador na si Chiz Escudero.
Ang diskarteng ito ang ginagamit na template, blue print o modelo bilang pamantayan sa dekalidad na rehabilitasyon at imprastruktura sa bansa.
-----$$$--
PINATUNAYAN ni Escudero na ang pag-invest sa tamang teknolohiya at pagkuha ng mga eksperto, gaya ng mga foreign consultant, ang tunay na solusyon sa mga problemang hindi maayos-ayos.
Ito ay nagawa dahil sa tinatawag na political will.
-----$$$--
ANG pagpuri nina Sec. Vince at Gov. LRay sa Sorsogon ay isang malaking patunay at pagkilala sa husay ng pamamalakad sa Sorsogon noon.
Binabansagan din itong "Chiz standard" na hindi lang pang-probinsya, kundi pang-international ang kalidad.
-----$$$--
MAHALAGA na ang isang lider ay marunong kumilala sa siyensya at sa kakayahan ng mga eksperto.
Sa iskemang ito, natitiyak nating nagagastos nang maayos ang bawat pisong pondo na mula rin sa buwis ng mga mamamayan.
-----$$$--
HINDI lang ang EDSA ang inaayos, bagkus, ipinatutupad din ang pag-rehab sa Maharlika Highway.
Sa kabila ng mga alingasngas, may natatanaw pa rin tayong liwanag sa maayos na pamamalakad sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments