top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KALAT NA: DANIEL, 'DI LANG ISA, 4 ANG NAWALANG ENDORSEMENTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 24, 2024



Napanood namin ang interview sa owner ng Shawarma Wrap kung saan kinumpirma nitong ire-retain niyang endorsers sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 


Wala naman daw rason para alisin at palitan ang dalawa bilang endorsers, lalo na si Daniel.


Nabalita kasing may apat na endorsements na nawala kay Daniel pero dahil sa interview na ito ng owner ng Shawarma Wrap, safe sabihing retained ang KathNiel.


May lumabas ding balita na hindi na Pepsi endorser si Daniel, kaso may lumabas na photo nito na nakasuot ng Pepsi t-shirt, so sila pa rin ni Kathryn ang endorsers ng cola drink. 


Kaya lang, may nagsabing throwback photo ‘yun at hintayin kung magkakaroon ng bagong ad campaign si Daniel.


Nagpasalamat naman si Karla Estrada sa Bench dahil sa itinaas na billboard ni Daniel at ibig sabihin, Bench endorser pa rin ang aktor. 


So, ano kaya'ng endorsements ang nawala sa kanya?


Anyway, nakabalik na o pabalik na si Daniel mula sa Japan at kung mai-interview, malalaman kung ano ang ginawa niya sa Land of the Rising Sun.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page