top of page
Search
  • BULGAR

Kalat na… ANGEL, BALIK-KAPUSO

ni Nitz Miralles @Bida | April 17, 2024




Kasunod ng unconfirmed reports na babalik na sa showbiz si Angel Locsin ay ang paglabas ng teaser na may babalik sa Kapuso Network. 


Ang mga clues ay si Angel ang tinutukoy, gaya na lang ng “Ang muling pagbabalik ng nag-iisang dyosa ay mangyayari na! Abangan!”


Meron namang nag-post ng old teaser ng Mulawin na pinagtambalan nina Angel at Richard Gutierrez, kaya lalong na-excite ang mga fans. 


Kaya lang, unconfirmed report ito at ang gumawa ng teaser ay hindi ang GMA Network.


Kaya tama ang comment ng ibang Kapuso fans na saka lang sila maniniwalang babalik sa showbiz at sa GMA si Angel kapag ang Kapuso Network na ang nagbalita.


May nag-comment naman na parang si Anne Curtis ang tinutukoy na babalik dahil siya ang kinikilalang “Diyosa” sa showbiz.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page