Kailan nagkakaroon ng “double sale"?
- BULGAR

- 10 hours ago
- 2 min read
ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 2, 2026

Dear Chief Acosta,
Kailan po ba masasabing may “double sale” sa usapin ng bentahan ng lupa? Masasabi pa rin bang “double sale” kapag magkaiba ang tao o personalidad na nagbenta?
— Wowie
Dear Wowie,
Ang sagot sa iyong katanungan ay maaaring matagpuan sa mga umiiral na batas at kaugnay na desisyon ng Korte Suprema.
Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 386, o mas kilala sa tawag na New Civil Code of the Philippines, ang probisyon patungkol sa double sale. Partikular na nakasaad sa Article 1544 nito ang sumusunod:
“Article 1544. If the same thing should have been sold to different vendees, the ownership shall be transferred to the person who may have first taken possession thereof in good faith, if it should be movable property.
Should it be immovable property, the ownership shall belong to the person acquiring it who in good faith first recorded it in the Registry of Property.
Should there be no inscription, the ownership shall pertain to the person who in good faith was first in the possession; and, in the absence thereof, to the person who presents the oldest title, provided there is good faith.”
Hinggil sa nabanggit, inilahad ng Korte Suprema sa kasong Cheng vs. Genato (G.R. No. 129760, ika-29 ng Disyembre 1998, isinulat ni Kgg. na Kasamang Mahistrado Antonio M. Martinez), ang mga rekisito upang masabi na merong double sale:
“This provision connotes that the following circumstances must concur:
The two (or more) sales transactions in issue must pertain to exactly the same subject matter, and must be valid sales transactions.
The two (or more) buyers at odds over the rightful ownership of the subject matter must each represent conflicting interests; and
The two (or more) buyers at odds over the rightful ownership of the subject matter must each have bought from the very same seller.”
Kaugnay sa iyong ikalawang katanungan, nilinaw sa kasong Manlan vs. Beltran (G.R. No. 222530, ika-16 ng Oktubre 2019, isinulat ni Kgg.na Kasamang Mahistrado Henri Jean Paul B. Inting), ang sumusunod:
“In fine, there is double sale when the same thing is sold to different vendees by a single vendor. It only means that Article 1544 has no application in cases where the sales involved were initiated not just by one vendor but by several vendors.”
Sa kabuuan, masasabing may double sale kapag ang iisang bagay ay naipagbili sa dalawa o higit pang mamimili ng parehong nagbebenta. Ibig sabihin, ang esensya ng double sale ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang nagbebenta na nagbenta ng parehong ari-arian sa magkakaibang mamimili, na nagreresulta sa salungatan ng karapatan sa pagmamay-ari.
Samakatuwid, hindi angkop ang nabanggit na probisyon ng batas sa mga sitwasyon kung saan ang mga bentahan ay nagmula sa iba’t ibang nagbebenta. Sa ganitong pagkakataon, ang isa sa mga pangunahing rekisito ng double sale na pagkakaroon ng iisang nagbenta ay nawawala.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments