Kailan nagkakaroon ng double jeopardy?

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 10, 2021
Dear Chief Acosta,
Kailan ba nagkakaroon ng double jeopardy? Maaari pa ba talagang maisampang muli ang kaso na dismissed na ni fiscal matapos ang preliminary investigation? – Sonny
Dear Sonny,
Ang sagot sa inyong katanungan ay opo sapagkat wala pang double jeopardy sa mga dismissal sa antas ng prosecutor. Ito ay alinsunod sa jurisprudence na nagsasabi na ang preliminary investigation ay hindi bahagi ng trial kaya ang resolusyon ng prosecutor para sa dismissal ay hindi pa maikokonsiderang “jeopardy” para sa isyu ng pagkakaroon ng double jeopardy.
Kaugnay ng nabanggit, pinaglinaw sa kasong Flores vs. Montemayor (G.R. No. 170146, June 8, 2011), sinulat ni Honorable former Associate Justice Martin Villarama, Jr., ang mga requisites ng double jeopardy at kung mag-attach na ba ito sa mga dismissal sa antas ng prosecutor, viz:
“Double jeopardy attaches only (1) upon a valid indictment, (2) before a competent court, (3) after arraignment, (4) when a valid plea has been entered, and (5) when the defendant was convicted or acquitted, or the case was dismissed or otherwise terminated without the express consent of the accused. We have held that none of these requisites applies where the Ombudsman only conducted a preliminary investigation of the same criminal offense against the respondent public officer. The dismissal of a case during preliminary investigation does not constitute double jeopardy, preliminary investigation not being part of the trial.” (Binigyang-diin)Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.





Comments