top of page

Kailan nagiging child abuse ang pagdidisiplina sa bata?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 3, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May isa akong anak na nasa edad pitong taong gulang. Bilang magulang, nais kong madisplina ang anak ko upang siya ay lumaking mabuti at disiplinado. May napanood ako sa social media na sa ibang bansa, ang pamamalo ng bata ay hindi pinahihintulutan at maaaring mauwi sa paghuli at pagkakulong. Ganito rin ba ang batas natin dito sa Pilipinas?


RS



Dear RS,


Ang mga magulang ay may natural na karapatan at pananagutan sa kanilang mga anak. Ito ay sumasaklaw sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanila, kaakibat ang pagpapaunlad sa kanilang moralidad, karakter, at mental at pisikal na pagkatao. Upang ito ay maisakatuparan, ang mga magulang ay maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan na tulad ng pagsaway at pagpalo kung ito ay kinakailangan upang masuheto ang kanilang mga anak. Subalit, ang pagbuhat ng kamay sa mga anak ay hindi maaaring gawin sa paraan na labis-labis na maaaring makasama sa kanila. Ngunit paano nga ba masasabi kung ang pagpalo ay nararapat pang paraan ng pagdisiplina o isa nang anyo ng pang-aabuso sa mga bata?


Sa kasong Van Clifford Torres y Salera vs. People of the Philippines (G.R. No. 206627, January 18, 2017, sa panulat ni Kagalang-galang Senior Associate Justice Marvic Leonen), ipinaliwanag ng Kataas-taasang Hukuman ang child abuse sa konteksto ng Republic Act (R.A.) No. 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Ayon sa Korte Suprema:


Under Section 3(b) of the Republic Act No. 7610, child abuse is defined, thus:

Section 3. Definition of Terms.

(b) "Child abuse" refers to the maltreatment, whether habitual or not, of the child which includes any of the following:

(1) Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment;

(2) Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being;

(3) Unreasonable deprivation of his basic needs for survival, such as food and shelter; or

(4) Failure to immediately give medical treatment to an injured child resulting in serious impairment of his growth and development or in his permanent incapacity or death.


As can be gleaned from this provision, a person who commits an act that debases, degrades, or demeans the intrinsic worth and dignity of the child as a human being, whether habitual or not, can be held liable for violation of Republic Act No. 7610.


Although it is true that not every instance of laying of hands on the child constitutes child abuse, petitioner's intention to debase, degrade, and demean the intrinsic worth and dignity of a child can be inferred from the manner in which he committed the act complained of.”


Upang malaman kung ang isang aksyon ay maituturing na pang-aabuso sa bata ay marapat na tingnan ang kabuuan ng pangyayari, lalo na ang paraan ng pagkakagawa nito. Kung ang isang aksyon ay nakakapagpababa, nakakapanghamak at nakakasira sa pagkatao at dignidad ng isang bata, kahit na ito ay minsanan o laging ginagawa, maituturing na itong pang-aabuso sa bata. Kaya sa iyong napanood, dapat tingnan kung ang pagpalong ginawa sa bata ay maituturing na nakakapahiya at nakaka-trauma na pangyayari sa isang bata na maaaring maituring na pang-aabuso sa bata.


Ang pagdisiplina ng magulang sa mga anak ay mahalaga ngunit marapat na ito ay gawin sa paraan kung saan magtatanda at matututunan ng bata ang leksyon na dapat niyang matutunan, hindi sa paraan kung saan siya ay mahahayag sa kahihiyan o takot na maaari pang makasama imbes na makabuti sa kanya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page