top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahulugan ng arraignment at kahalagahan ng pagdalo rito

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2020
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 11, 2020



Dear Chief Acosta,


Akusado ang aking kapatid sa kaso at nakatakda ang kanyang arraignment sa susunod na buwan. Ano ba ang ibig sabihin nito at ang kahalagahan ng kanyang pagdalo rito? – Patria


Dear Patria,


Tinatalakay sa Rule 116 ng 2000 Revised Rules of Criminal Procedure ang proseso ng arraignment:


“Section 1. Arraignment and plea; how made. —
(a) The accused must be arraigned before the court where the complaint or information was filed or assigned for trial. The arraignment shall be made in open court by the judge or clerk by furnishing the accused with a copy of the complaint or information, reading the same in the language or dialect known to him, and asking him whether he pleads guilty or not guilty. The prosecution may call at the trial witnesses other than those named in the complaint or information.
(b) The accused must be present at the arraignment and must personally enter his plea. xxx”

Sinasabi sa nabanggit na probisyon na sa arraignment, binabasahan ng huwes o clerk ng sakdal ang akusado, sa husgado kung saan nakasampa ang kanyang kaso, at tinatanong siya kung inaamin ba niya ang kasong ipinaparatang sa kanya (guilty) o itinatanggi niya ito (not guilty). Kinakailangan ding basahin ang sakdal sa paraang nauunawaan ng akusado upang makapagsabi siya ng nararapat na tugon.


Mahalaga ring ang akusado ay naroon sa arraignment dahil siya mismo ang maghahain ng kanyang plea, sa tulong at paggabay ng kanyang abugado. Bukod dito, maaari ring magkaroon ng plea bargaining, o ang pag-amin sa mas mababang krimen, o pagkakasala habang ang arraignment ay nagaganap, kung ang krimeng aaminin ay sakop ng iniaakusa at kung may pagpayag ng biktima at ng prosecutor.


“Section 2. Plea of guilty to a lesser offense. — At arraignment, the accused, with the consent of the offended party and the prosecutor, may be allowed by the trial court to plead guilty to a lesser offense which is necessarily included in the offense charged. xxx”

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page