top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahit pa kasal na… CARLA, 10 YRS. BAGO GAGAMITIN ANG APELYIDO NI TOM

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 12, 2021





Magtu-two months nang kasal sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa December 23, pero hanggang ngayon pala, hindi pa ginagamit ng Kapuso actress ang tunay na apelyido ng kanyang mister na Mott.


May mga fans kasi ni Carla ang nakapansin at nagtanong kung bakit Abellana pa rin ang ginagamit niyang surname sa kanyang Facebook at Instagram account gayung kasal na siya.


Paliwanag ng magandang anak ni Rey "PJ" Abellana habang nagdi-dinner sila ni Tom, hindi pa naman daw kasi lumalabas ang kanilang marriage certificate mula sa Philippine Statistic Agency (PSA) kaya technically ay Abellana pa rin siya.


Pero ang mas nakakagulat, ang sinabi ni Carla sa bagong vlog nila ni Tom sa kanyang YouTube channel na 10 yrs. pa bago niya magamit ang apelyido ng mister.


Ang paliwanag niya tungkol dito, “None of my IDs say Mott. For the longest time, it's going to stay Abellana because my passport says Abellana and it's valid for 10 years.


"Bagung-bago lang ang aking passport. Kaka-renew lang, so Abellana pa 'yun for the next 10 years. All my government-issued IDs are still Abellana, so I have to write Abellana pa rin.”


Pero sabi naman ni Carla, kapag may mga kailangang i-sign na documents, married na ang inilalagay nilang status ni Tom.


Ang nakakatawa ay ang one-liner ni Tom na "As if I care," habang sinasabi ni Carla na hindi pa niya magagamit ang apelyido ng mister.


Hahaha! Kahit mukhang parehong seryoso at prim and proper sina Carla at Tom, ang cute ng mga linyahan nila, in fairness!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page