Kahit burado na sa buhay ng aktor… KIM, 'DI PA NAGBUBURA NG MGA PHOTOS AT VIDEOS NILA NI XIAN
- BULGAR
- Dec 13, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 13, 2023

Dahil binura na ni Xian Lim ang mga photos at videos nila ni Kim Chiu sa YouTube channel, pinayuhan si Kim ng kanyang mga fans na i-delete na rin ang mga photos ni Xian sa kanyang Instagram.
May photos at videos pa ng dalawa sa kani-kanyang IG at feel ng mga fans na pati ‘yun, mawawala na rin, kaya inunahan na nila si Kim.
Limang uploads na lang daw ang itinira ni Xian sa kanyang YouTube channel, pero pati ‘yun, inalis na rin niya. Nakasulat nga sa YT nito ang “This channel doesn’t have any content," at nasaktan ang KimXi fans dahil ang ibig sabihin, binura na ni Xian si Kim sa buhay niya.
Si Kim, nagpo-post pa sa kanyang Instagram, pero hindi sumasagot sa mga tanong ng fans gaya ng “Anyare sa inyo ni Xian, Mare?”
Si Xian, ang last post ay tungkol sa kanyang cardio session at December 4 pa 'yun. Naka-off ang comment box, kaya walang makapag-comment.
Ang latest na napanood namin kay Xian ay ang "Chemistry Check" nila ni Jennylyn Mercado bilang paunang promo nila sa series nilang Love. Die. Repeat. na airing na sa January, 2024.
Masaya si Xian sa video nila ni Jennylyn at parang walang pinagdaraanan. Siguro naman, bago ang video na ‘yun dahil December 11, 2023 ang date na ipinost.
Puro tawanan sina Jennylyn at Xian at may eksena pa ngang ginaya ni Xian si Rayver Cruz, ang pagsasayaw nito at pagsasalita at pagtawag kay Julie Anne San Jose.
Pero, ano nga kaya ang nangyari sa kanila ni Kim at sa kanilang relasyon?





Comments