top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit 3 yrs. na… SEN. SHERWIN, 'DI PA RIN PAKAKASALAN SI BIANCA

  • BULGAR
  • Oct 17, 2021
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 17, 2021




Speaking of Sen. Sherwin Gatchalian, hindi naman nakaligtas ang re-electionist sa pagka-senador sa tanong ng entertainment press kung may plano na ba silang magpakasal ng former beauty queen-actress girlfriend na si Bianca Manalo.


Three years na rin ang relasyon nina Bianca at Sen. Sherwin, kaya natural, curious ang mga fans nila kung kelan mauuwi sa altar ang kanilang pag-iibigan lalo't sunud-sunod na ngang nagpapakasal ngayon ang mga celebrity sweethearts.


Parang nasalang sa hot seat si Sen. Sherwin at feeling yata nito ay contestant din siya sa beauty pageant.


Nang sumagot, aniya, “Napakahirap naman ng tanong na 'yan. Parang pinawisan ako sa tanong na 'yan.


“Wala akong maibibigay na definite date. Ang aking pananaw diyan, of course, it’s in God’s time."


Bagama't medyo matagal na nga sila ni Bianca, aniya, “Pag-uusapan namin na mabuti kung ano 'yung pinakamagandang oras for both of us. This is a mutual decision, so in God’s time. Wala akong maibabalita na definite day.”


Eh, malamang, dahil magiging busy sa kampanya si Sen. Sherwin para sa 2nd term niya sa Senado, hindi muna nila priority ni Bianca ang kasal.


Kaya abang-abang na lang tayo at 'wag excited. 'Yung mga 'di na makapaghintay, kayo na lang ang magpakasal! Char!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page