top of page
Search
  • BULGAR

JULIE ANNE, NAGSUKA, NO SHOW SA CONCERT NI REGINE

ni Nitz Miralles @Bida | April 25, 2024




MATINDING stomach pain at migraine ang nabanggit ni Julie Anne San Jose kaya hindi siya natuloy mag-guest sa concert ni Regine Velasquez a few days ago. 

Nakapag-rehearse na si Julie the day before the concert, pero sa araw mismo ng concert, nagsuka raw siya.

Kuwento nito, ayaw sana niyang magpadala sa hospital at baka gumaling din siya, pero naulit ang pagsusuka at nagka-migraine pa, kaya naospital na siya. 

Nag-apologize kay Regine si Julie na nanghinayang na makasama uli sa stage si Songbird, kaso lang, hindi niya talaga kinaya. 

Si Darren Espanto ang pumalit sa kanya na sa mismong araw ng concert ni Regine inaral ang song na kakantahin.

Sabi ng mga fans ni Julie, ang sakit na gerd ang umatake sa singer-actress kaya ang pabirong payo sa kanya ng mga fans, bawasan ang pag-inom ng kape. Coffee drinker yata ito, gaya ng maraming celebrities na may ganitong sakit din.

Anyway, sa concert ni Gary Valenciano billed Gary V. Pure Energy na naka-schedule this Friday (April 26) and Saturday (Apr. 27), guest si Julie sa first night ng concert kasama pa si Rayver Cruz at dahil magaling na siya, todo na ang performance nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page