top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Judo coach, kulong nang ihagis ang estudyante

  • BULGAR
  • Jul 1, 2022
  • 2 min read

ni MC / VA - @Sports | July 1, 2022




Isang Taiwanese judo coach na pumatay sa isang 7-anyos na mag-aaral sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghagis sa kanya sa sahig ay sinentensiyahan ng siyam na taon na pagkakulong na nag-udyok sa mga magulang ng bata na humingi ng mas malupit na parusa.


Ang bata, na kinilalang si Huang ay isinugod sa isang ospital sa Taichung noong Abril noong 2021 matapos iulat na inihagis ng 27 beses ng kanyang coach na si Ho Tsung-le.

Na-coma sa loob ng 70 araw at nagdurugo ang utak, nagkaproblema sa paghinga at multiple organ failure bago nagpasya ang ga magulang na tanggalin na ang life support.


Hinatulan ng Taichung court ng 9 na taong sentensiya sa pagkakulong, na nagsasabing pinilit ni Ho ang bata na sundin ang kanyang mga utos at pinabayaan ang posibilidad na maaaring ikamatay ng bata.


Ngunit ang mga magulang ng bata ay hindi tanggap ang “magaan” na sentensiya dahil hindi kailanman nagpakita ng anumang pagsisisi. “I think it’s too light, it should be a life for a life. Grabe talaga ang ugali niya. He’s never admit to any wrongdoing and blamed it on my child,” ayon sa ama ng bata.


Ayon sa isang pahayag ng korte, inutusan ni Ho ang bata na magsanay ng paghagis kasama ang isang mas may karanasan na kaklase, kahit na alam niyang hindi pamilyar ang biktima sa mga pangunahing galaw ng judo.


Matapos tumanggi si Huang sa mga utos at sabihin na “ang coach ay isang idiot,” mismong si Ho ang naghagis sa bata gamit ang iba’t ibang technique, kabilang ang shoulder throw.


Nang magreklamo ang bata ng matinding sakit ng ulo, sinabi ng coach na umaarte lang ito at hinagis pa siya ng 12 beses, na nagdulot ng pagsusuka at pagbagsak ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page