JOSHUA, INILAGLAG DAW SINA DANIEL AT ANDREA, PUMALAG
- BULGAR
- Dec 13, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | December 13, 2023

Inilaglag umano ni Joshua Garcia ang kaibigang si Daniel Padilla.
May kumalat na breaking news diumano sa social media na ganito ang nilalaman… "Joshua Garcia, alam pala lahat ng kalokohan ni Daniel Padilla. Si Joshua ang ipinalit ni Daniel kay Dominic."
Dagdag pa rito, sabi raw ni Joshua kay Daniel, "Matagal na kitang sinabihan na ayusin mo 'yung ginagawa mo at 'yung relasyon n'yo ni Kath, pero hindi ka nakinig at tinuloy mo 'yung mga kalokohang ginagawa n'yo ni Andrea.
“Sorry bro DJ, but this time, I’ll go for Kath. Matagal na kitang sinabihan na ayusin mo 'yung ginagawa mo at 'yung relasyon n'yo ni Kath, pero hindi ka nakinig at itinuloy mo 'yung mga kalokohang ginagawa n'yo ni Andrea.
“Akala ko, makikinig ka, pero lumalabas lang yata sa tenga mo 'yung mga sinasabi ko sa 'yo.
“'Yung sa Spain with Andrea, totoo 'yun. Sorry bro, pero hindi kita pagtatakpan,” ang sabi pa raw ni Joshua.
May netizen na nag-tag kay Joshua sa X (Twitter) ng naturang 'breaking news' at nang mabasa raw ito ng aktor, ini-repost niya ito at nilagyan ng caption na "Fake news!".
Hay! Ang dami nga namang naglalabasang fake news, lalo at ginagawa nilang content ang breakup ng KathNiel at idinadamay pa nila ang mga kaibigan ng ex-powerful tandem ng bansa.








Comments