top of page
BIDA - COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON_FB Circulated.jpeg

GF ni Richard, gaya-gaya raw sa ex-misis… COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 1, 2026



BIDA - COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON_FB Circulated

Photo: IG / FB Circulated



Pinagkukumpara ng mga fans sina Sarah Lahbati at Barbie Imperial dahil parehong nagsuot ng Poison Ivy (PI) costume. Kahit sabihin pang 2013 pa nag-costume bilang PI si Sarah at ngayong 2026 lang si Barbie, pinagkukumpara pa rin sila dahil kay Richard Gutierrez na ex-husband ni Sarah at boyfriend ngayon ni Barbie.


Sa kanyang Instagram (IG) Story, nag-post si Sarah ng photo niya na nakasuot ng PI costume at may caption na: “Throwback to when I still had the energy. LOL (Laugh out loud) 2013.”


Mas maraming posts si Barbie sa IG na naka-PI costume siya. May caption ang post nito na: “I am the poison baby, you know you can’t kill me.”


Kabilang sa mga nag-comment sa post ni Barbie sina Mond Gutierrez, na ang sabi ay “Nailed it!” at Ruffa Gutierrez, na nag-comment ng “Epic.”


May mga comments na ‘copy paste’ at ‘gaya-gaya’ ang costume ni Barbie dahil nga nag-PI na rin si Sarah. Kaya lang, 2013 pa ito, 13 years ago na, at ngayong taon lang si Barbie.

Inakusahang gaya-gaya si Barbie dahil naunang nag-post si Sarah. Kaya lang, hindi naman siguro follower ni Sarah si Barbie sa IG account niya at lalong hindi nito tinitingnan ang socmed ng ex-wife ng BF niya. 


Saka, mahirap paghandaan ang costume lalo na kung oras lang ang pagitan dahil pinag-iisipan at pinaghahandaan ito.


Mas tamang sabihin na coincidence lang ang pagkakapareho ng costume nina Sarah at Barbie at hindi na dapat pinag-aawayan ng kani-kanilang mga fans. Unfair para sa dalawang girls at dapat hayaan na natin sila sa kani-kanilang buhay. Ang importante, pareho silang masaya.





Habang walang show sa ‘Pinas…

BELA, NAG-AARAL ULI SA BANGKOK



WALANG sinasayang na oras si Bela Padilla. Siya ang babaeng Xian Lim na ayaw o hindi nagpapahinga at gusto ay laging may ginagawa. Habang wala pang project sa TV at movies si Bela, nag-aaral siya.


Kuwento niya, “Good morning from Bangkok! I’ve been cooking something up for a few months now and I’m almost ready to share it with everyone. But I’d love to know.... who here wants to learn filmmaking/writing but has no access to classes or a film school?”


May mga sumagot agad sa tanong ni Bela. Gusto nilang mag-aral ng filmmaking at writing, hindi lang nila magawa dahil mahal. Dahil nagtanong ang aktres, ang ibig ba niyang sabihin, willing siyang mag-sponsor ng gustong mag-enroll sa filmmaking at writing? Baka nga mag-share pa si Bela ng knowledge niya in writing scripts dahil ginagawa na niya ito.


Ang laking tulong nito sa mga gustong mag-enroll, wala lang budget. Hintayin natin kung ano ang gagawin ni Bela para matulungan ang mga gustong mag-aral ng filmmaking at screenwriting.


And speaking of Bela, mabuti at hindi na lumaki ang isyu sa kanila ni Marian Rivera after ng guesting ng misis ni Dingdong Dantes sa Gandang Gabi Vice (GGV) nang tanungin si Marian tungkol sa padlock issue. Mukha ngang nakapag-move on na ang mga tao sa nasabing isyu na binabalik-balikan pa rin ng iba.





NAGKAKAGULO na ang mga fans ni Piolo Pascual nang mabasa ang post ng Cornerstone tungkol sa special show na gagawin ng aktor.


Sey sa post, “AN EXCLUSIVE EVENING AWAITS. A night of music, fine dining, and unforgettable moments awaits you with the Philippines’ ultimate heartthrob, Piolo: A Gala Concert.”

Gagawin sa Grand Ballroom, City of Dreams ang limited-seats-only gala concert sa November 24.


Pare-pareho ang tanong ng mga fans kung magkano ang tiket para raw mapag-ipunan na ng mga hindi yayamaning fans ni Piolo. Wala pang advice kung magkano ang ticket, kaya maghintay na lang kayo!


Naaliw lang kami sa isang comment na, “Grabe, ‘di ba puwedeng seated or floor standing? Bakit kailangang mag-gala? Kawawa ang mga senior, walang konsiderasyon.” 


Nagpapatawa lang ba ang nag-comment na ito at ang intindi sa “gala concert” ay gagala sa ballroom ang manonood?


Anyway, nag-guest sa Pinoy Big Brother 3.0 si Piolo Pascual kasama sina Darren Espanto, Iñigo Pascual, River Joseph, Emilio Daez at Kyle Echarri. Given na kay Piolo mas kinilig at mas sumigaw ang female housemates. May napanganga na lang sa sobrang kilig at ‘Papa P’ na lang ang nasabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page