top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isinabit sa P1 B kaso ni Enchong… AGOT, POKWANG AT OGIE DIAZ, PINAKAKASUHAN DIN NG CYBER LIBEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 14, 2021





Naaawa naman kami kay Enchong Dee na biktima ngayon ng cyber bullying at trial by publicity dahil sa kinakaharap nitong worth P1 billion cyber libel case na isinampa ni DUMPER (Drivers United for Mass Progress and Equal Rights) Partylist Rep. Claudine "Dendee" Bautista-Lim.


Nag-ugat nga ito ru'n sa 'reckless tweet' ni Enchong sa kanyang Twitter account kung saan sinita niya ang bonggang kasal sa Balesin Island ni Congw. Dendee sa gitna ng pandemya at inakusahan niyang galing sa kaban ng bayan ang ginastos sa naturang wedding.


Of course, nainsulto at nasaktan ang kongresista, maging ang asawa at mga kapamilya nila sa ginawa ni Enchong.


Pero bagama't agad ngang nag-sorry at binura ni Enchong ang kanyang controversial tweet, kinasuhan pa rin siya ng DUMPER Partylist representative.


Sa ngayon, wala pa ring pahayag si Enchong sa kinakaharap na kaso, pero kapansin-pansing naka-restrict na ang kanyang IG account at hindi na makakapag-comment ang mga netizens.


Pero sa Facebook at iba pang online platforms, tuloy ang pambu-bully kay Enchong ng mga netizens, at pati nga sina Agot Isidro, Pokwang at kapatid na Ogie Diaz na nag-tweet din noon tungkol sa bonggang kasal ni Congw. Dendee ay gustong idamay ng ilang madiwara nating kababayan.


Hirit nila, dapat ay kasuhan din ng cyber libel tulad ni Enchong ang mga naturang celebs dahil mahilig daw makisawsaw at ang daling mag-judge nang hindi muna inaalam ang background ng kongresista.


Pero may mga nagtanggol din naman kina Agot, Pokwang at Ogie na hindi naman daw libelous ang comments unlike kay Enchong na inakusahang korup si Congw. Dendee.


Samantala, kahit nag-sorry na nga si Enchong, may statement naman si Atty. Ferdinand Topacio na imbes daw makatulong sa aktor ang ginawa ay lalo pa nitong ibinaon ang sarili.


Paliwanag ni Atty. Ferdie, "Meron po 'yung tinatawag sa batas na admission against interest.


Ibig sabihin, gumawa ka ng isang salaysay na makapapahamak sa iyo. Ang tingin ng batas niyan ay 'yung talaga ang totoo sapagkat kung 'yan ay hindi totoo at 'yan ay laban sa 'yo, hindi mo gagawin because it is admission against your interest.


"So, lalo pong nabaon sa hukay si Mr. Enchong Dee diyan sa kanyang apology na 'yan."


Tsk! Ang bigat talaga ng kinakaharap ngayon ni Enchong at sana naman, nandiyan ang mga kaibigan niya para magbigay sa kanya ng moral support.


Tama rin ang ginawa niyang in-off muna ang comments section ng kanyang Instagram account dahil hindi makakatulong sa kanyang self-esteem ang pamba-bash ng ilang netizens na akala mo naman ay never nagkamali sa buhay, devah?


Maaaring nagkamali si Enchong, pero sino ba sa atin ang hindi nagkakamali?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page