top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Isang beses na prebilehiyo lang ang community service

BULGAR
Aug 20, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 20, 2021



Dear Chief Acosta,


Noong nakaraang taon ay bumuno na ng sentensiya sa pamamagitan ng community service ang aking kapatid kaugnay sa sentensiya ng korte sa kaso niya tungkol sa nakaalitan niya noon sa aming lugar. Sa kasamaang-palad, sa aming muling pagkadismaya, siya ay muling nasangkot sa isang girian at suntukan. Dahil dito, kung muli siyang masentensiyahan sa kanyang panibagong kaso ng slight physical injuries, maaari bang sumailalim na lang ulit siya ng community service sa halip na ikulong sa bilangguan? – Boyet



Dear Boyet,


Ang sagot sa inyong katanungan ay hindi na. Para sa inyong kaalaman, bagama’t maaari sanang alternatibong sentensiya ang community service sa mga krimeng may kaparusahang arresto menor o arresto mayor tulad ng Slight Physical Injuries, nakasaad sa huling talata ng Section 3 ng Republic Act No. 11362, o mas kilala sa tawag na “Community Service Act” (amyenda sa Article 88a ng Act Number 3815, o mas pamilyar sa tawag na Revised Penal Code) na maaari lamang mapakinabangan ang prebilehiyo ng pagsailalim sa community service imbes na pagkakakulong ng isang beses, viz:


“Sec. 3. Community Service- Article 88a of Act No. 3815 is hereby amended to read x x xx

The privilege of rendering community service in lieu of service in jail shall be availed of only once.” (Binigyang-diin)


Sa katunayan, ang limitasyong ito ay mas pinagbigay-linaw at diin ng Korte Suprema ng inisyu nito ang OCA- Circular No. 168-2020, o ang guidelines sa pagpapataw ng community service, kung saan isinasaad na ang benepisyo ng Community Service Law ay hindi maaaring ipagkaloob sa akusado ng higit pa sa isang beses, to wit:


“X x x In no case shall the benefit of the Community Service Law be given to the accused more than once. Also, the period for the community service to be rendered should not be more than the maximum sentence imposed by law, but not less than one-third 1/3 thereof.” (Binigyang diin)


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page